ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 30, 2024
Wala pang pelikulang ginagawa ang all-boy group na SB19 at sa mga concerts at TV shows pa lang sila napapanood, pero walang dudang "made" na nga sila dahil paborito na rin silang pagpiyestahan at paglaanan ng oras at pansin ng mga Marites at Tolits (read: 'Tol, ito ang latest — na BTW, natutunan namin sa Kamuning Bakery CEO at showbiz colleague naming si Wilson Flores, haha!).
Umani kasi ng samu't saring reaksiyon at opinyon mula sa mga netizens ang balitang kasama na rin sa The Voice Kids PH ng GMA-7 ang leader ng SB19 na si Pablo (real name is John Paulo Nase) bilang coach-judge.
Bago napasok si Pablo, mas una nang naging bahagi ng The Voice Kids PH bilang coach ang co-member nito sa SB19 na si Stell Ajero kasama ang singer-actress na si Julie Anne San Jose at ang singer-dancer na si Billy Crawford.
May mga netizens ang natuwa at pabor na maging coach si Pablo dahil kung titingnan ang kanyang credentials, hindi lang siya lead vocalist ng SB19 kundi songwriter-music director-creative director at arranger din.
Kaya kung pagiging mentor at coach lang din daw, may ibubuga naman talaga si Pablo based on his experience.
Pero may ilang netizens o bashers naman ang nagkokomento na sana raw ay iba na lang ang isinamang hosts sa The Voice Kids PH dahil ang katwiran nila, "Si Pablo? Eh, nakaasa lang lagi kay Stell 'yan, eh?"
Ayan, na-high blood tuloy ang mga certified A'Tin fans at panoorin daw muna si Pablo sa show bago husgahan.
Plangak!
Anak ni Pacquiao, nilait…
JIMUEL, PASOK SA TOP 10 YOUNG BILLIONAIRE SA 'PINAS
Kasama pala ang panganay na anak nina Pambansang Kamao Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao na si Jimuel Pacquiao sa Top 10 Youngest Filipino Billionaire.
Ito ay base sa data na inilabas ng Pinoy History, kung saan at the age of 23, maituturing na ngang bilyonaryo ang anak ni Sen. Manny na ang inire-represent ay ang MP Promotions company.
Ang ilan pang prominenteng anak ng mga kilalang bilyonaryo na kasama sa listahan ay sina Daniel Miranda (ng Cebuana Lhuillier at tatay ng anak ni Sofia Andres), Dominique Cojuangco (of course, unica hija nina Mr. Tony Boy Cojuangco at Gretchen Barretto), Hasan Kiko Munji (Ayen Munji's son) at Mika Romero (anak ni dating Deputy Speaker Mikee Romero).
Pero dahil hindi nga kilalang self-made si Jimuel at hindi naman nakikita ng mga taong nagkaroon ng showbiz career o naging successful sa itinayo nitong negosyo, may mga nang-iismol sa panganay nina Pacquiao at Jinkee na kundi naman daw dahil sa yaman ng kanyang parents ay wala siya sa listahan.
Aba, bakit, kahit naman 'yung ibang nasa list tulad ni Dominique Cojuangco at ng iba pang anak ng mga bilyonaryo, hindi rin naman maituturing na naging bilyonaryo sila dahil sa sarili nilang pera, 'no!
Sabi nga, 'pag inggit, pikit! Kaya sa mga inggit d'yan, itulog n'yo na lang 'yan bago kayo patulugin ng suntok ng rich daddy ni Jimuel, hahaha!
NAKATSIKAHAN namin kahapon over lunch sa kanyang Kamuning Bakery ang businessman-showbiz writer-colleague namin na si Wilson Flores na tumatayong FFCCCII (Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc.) Public Information Chairman at ang kanyang co-chairman na si Mr. Eduardo "Eddy" Cobankiat.
Bukod sa pagiging Public Information co-chairman, CEO rin ng Eslite Glutathione si Mr. Cobankiat at ibinida nga niya sa amin na 4 yrs. na niyang endorser si Sanya Lopez dahil mabait daw ito at hindi pa sikat si Sanya nu'ng nakuha nilang endorser, pero hanggang ngayon, hindi raw ito nagbabago ng ugali.
May mga napagkuwentuhan din kaming showbiz trivia at isa nga sa mga nalaman namin kina Wilson at Mr. Eddy ay ang itinuturing palang "Father of Filipino philosophy" and legendary Ateneo de Manila University na si Professor. Fr. Roque J. Ferriols, S.J. (SLN) ang tumulong noon sa singer na si Basil Valdez nu'ng magkaproblema ito sa mga bad spirits na nambubulabog sa kanyang condo unit.
Kuwento nina Wilson at Mr. Eddy, dahil may alam sa exorcism ang yumao nang si Fr. Ferriols, ito ang tinawag ng isang friend ni Basil Valdez at kahit daw nasa retreat ang noon ay Ateneo professor, pumunta ito sa condo ng singer para tulungan ito.
Naging topic ng kuwentuhan ang yumao nang pari na si Fr. Ferriols dahil recently, nagkaroon ng symposium celebrating Fr. Ferriols' 100th birth anniversary at Ateneo at isa sa mga naging speaker si Prof. Dr. Manuel Dy na nag-share nga ng heartwarming story tungkol sa encounter ni Fr. Ferriols at ni Basil Valdez.
The symposium, titled The Story of the Wheelwright: The Influence of Chinese Philosophy on the Thought of Fr. Roque Ferriols, SJ ay co-organized ng FFCCCII led by President Dr. Cecilio K. Pedro (who was abroad) and represented by EVP Victor Lim. The symposium highlighted Fr. Ferriols' inspiration from ancient Chinese philosophers like Chuang Tzu (Zhuangzi).
Kahit daw ang sikat na businessman at presidente ng TV5 na si Mr. Manny V. Pangilinan ay naging estudyante pala ni Fr. Ferriols at bilib na bilib daw siya sa pagiging philosopher ng yumao nang pari.
"For opening my eyes to the world around me and to the soul within me, Fr. Roque Ferriols is my Ateneo hero. His brilliant insights remain invaluable to me and my core beliefs," papuri pa rito ni MVP.
Well, dapat siguro ay dalas-dalasan pa namin ang pakikipagkuwentuhan kay kapatid na Wilson Flores dahil ang dami-dami niyang chika hindi lang sa business world kundi pati sa showbiz at sa kung anik-anik pang topic.
Comments