Kantang Dam, No. 1… SB19, FIRST PINOY NA NASA BILLBOARDS’ WORLD DIGITAL SONG SALES CHART
- BULGAR

- Mar 15, 2025
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | Mar. 15, 2025
Photo: DAM SB19 - IG
Ang Dam song ng SB19 ang nasa top spot ng Billboard’s World Digital Song Sales chart. Sila rin ang first Filipino act na naka-achieve ng milestone na ito.
Inanunsiyo ng Billboard na ang Dam ng SB19 ang nasa rank 1 ng kanilang official site last Tuesday, March 11, covering the tracking period of March 15.
The World Digital Song Sales is a weekly chart that ranks the 10 best-selling digital singles.
Hindi ito ang unang beses na napasok ang song ng SB19 sa WDSSC. Pumasok din noon ang kanilang Gento, pero nasa eighth (8th) spot lang nu’ng 2023.
“DAM # 1 on Billboard World Digital Song Sales. You push us to new heights, far beyond what we thought was possible. Thank you, A’tin, for your constant support,” ang post ng grupo.
Napaamin ng netizen… SOFIA, NADULAS NA IKINASAL NA SA PADIR NG ANAK
Mukhang nadulas ang aktres na si Sofia Andres na ikinasal na siya sa kanyang long-time boyfriend at ama ng kanyang anak na si Daniel Miranda, dahil may pa-hint o pahiwatig ito sa comment section ng kanyang post.
Kamakailan lang, nag-post si Sofia ng mga sweet photos nila ni Daniel para sa kanilang endorsement ng isang luxury brand.
Sa caption, inilagay niya: “Celebrating love with you.”
Sey ng isang netizen, “Sana, pakasalan ka na, because you deserve to be married in church.”
Sagot ni Sofia, “Wait, who said I’m not married (eyes emoji)?”
Komento naman ng isang fan, “Let’s mind our own business na lang po. Desisyon nila ‘yun kung ano man, it’s their decision. Kung kasal man na sila, ‘di lahat, need i-public. Privacy is everything.”
Well, noon pa man ay nasabi na ni Sofia na posibleng magpakasal sila ni Daniel in 'God’s time,' at binigyang-diin niya na hindi sure na magtatagal ang isang relasyon kapag ikinasal.
“Siguro, it’s not the time yet. In God’s time,” sey niya noon.
Paliwanag niya, “Kasi married o hindi, you’ll never know kung kayo ba talaga. Kasi may married na naghihiwalay pa rin. Meron namang hindi married na nagtatagal naman.”
Ten years nang nagsasama sina Sofia Andres at Daniel Miranda at may anak na rin sila, si Zoe. Kung totoong ikinasal na sila, ang galing nilang magtago, ha? Hindi natunugan ng mga Marites. Hahaha!
KAKAKASAL lang ng Creamline Cool Smashers na si Michele Gumabao kay Aldo Panlilio, heto at muli silang ikinasal sa isang garden wedding sa Baguio.
Unang ikinasal sina Michele at Aldo last February 24 sa isang church sa Makati.
Bumaha ng congratulatory message mula sa mga fans ng volleyball star.
Ilan lang sa mga comments ay… “Gandang ‘di nakakasawa, grabe,” at “Michele looks like the perfect bride talaga!”
BTW, si Michele Gumabao ay isa ring beauty queen.








Comments