SB19, BIDA SA OFFICIAL SONG NG ASEAN 2026

by BRT @News | October 6, 2026

Photo: Screengrab from Tourism Philippines Youtube
Tampok ang P-pop group na SB19 sa “Together in Motion,” ang official song ng Pilipinas para sa ASEAN 2026 chairship.
Kasama sa music video sina Pablo, Josh, Stell, Ken at Justin na kumakanta tungkol sa pagkakaisa at pagtutulungan ng mga bansa sa Southeast Asia.
Ayon kay Tourism Secretary Dita Angara-Mathay, pinili ang SB19 dahil sa magandang impluwensiya ng grupo at sa ambag nito sa pagpapalaganap ng kulturang Pilipino.
Ang “Together in Motion” ay bahagi ng tema ng Pilipinas para sa ASEAN 2026 na “Navigating Our Future, Together.”
Noong Hunyo, napabilang din ang SB19 bilang tourism ambassadors ng Pilipinas.





Comments