top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

Sayang daw, next John Lloyd pa naman… FANS KAY JOSHUA: CAREER MUNA BAGO BABAE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 8, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 8, 2023




Mahusay na aktor si Joshua Garcia at sinasabing siya ang susunod na John Lloyd Cruz.


Kaya marami ang natuwa nang muli siyang makabangon sa masakit na paghihiwalay nila ni Julia Barretto.


Sobrang minahal niya si Julia na kanyang naging inspirasyon. Akala ng mga malalapit na kaibigan ni Joshua ay mahihirapan itong maka-move on sa breakup nila ng ex-girlfriend.


At tiyak na maaapektuhan ang kanyang career.


Pero sa tulong ng kanyang pamilya, mga kaibigan at kasamahan sa showbiz ay nakaya ni Joshua na lagpasan ang kabiguan sa pag-ibig. Binalikan niya ang kanyang acting career at nagkasunud-sunod ang kanyang mga projects. May malalaki na rin siyang product endorsements ngayon.


May mga nagsasabi ngang big threat si Joshua kay Daniel Padilla dahil malakas din ang suporta ng kanyang mga fans.


Pero kasabay ng pagiging abala ni Joshua sa kanyang career ay ang paglutang ng mga kuwento tungkol sa love life niya.


Kung kani-kanino siya nali-link. At mukhang ini-enjoy naman ni Joshua ang mga kaganapan sa kanyang love life ngayon.


Pero may ilang taong nagmamalasakit kay Joshua at pinayuhan ang aktor na sa halip na atupagin ang kanyang love life ay mag-ipon siya nang mag-ipon at magpundar upang maging stable ang kanyang future.


Unahin niya na bigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga magulang at kapatid. Mas hahangaan si Joshua ng lahat kung magiging mabuti siyang anak.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page