Sayang daw ang P600 niya, Barbie movie nilait… NETIZENS KAY MJ: B*BO KA!
ni Beth Gelena @Bulgary Files | July 27, 2023

Naging usap-usapan sa social media ang ipinost ng former beauty queen-TV host na si MJ Lastimosa sa kanyang Twitter account tungkol sa naging experience niya sa panonood ng Hollywood film na Barbie.
Matatandaan na naging usapin kung papayagan o ipagbabawal na ipalabas ang nasabing pelikula dito sa Pilipinas dahil sa kontrobersiyang kinasasangkutan nito na may kaugnayan sa pinunang eksena na tumalakay sa China’s disputed “nine-dash” line claim.
Pero, sa inilabas na official statement ng MTRCB, imbes i-ban, PG rating ang ibinigay nila sa pelikulang Barbie na pinagbibidahan nina Margot Robbie as Barbie at Ryan Gosling as Ken, kaya naipalabas pa rin ito simula nu'ng July 21.
Sa burado nang tweet ngayon ng former beauty queen-TV host ay tinawag niyang “waley” at “parang school project” lang ang nasabing blockbuster fantasy-comedy film.
Sey ni MJ sa kanyang tweet, “Sobrang waley ng Barbie movie. Sayang 600 ko, haha!”
Dagdag pa ng former beauty queen-TV host, okay naman daw sa kanya ang ibang eksena sa pelikula, ngunit kung susumahin ay para lamang daw itong “school project.”
“Okay naman some parts but in general, mehhh… parang school project,” aniya.
Tila hindi nagustuhan ng controversial ding social media personality na si Valentine Rosales ang naging opinyon ni MJ tungkol sa movie na Barbie, “'Di siguro naintindihan, English kasi ‘yung movie, ‘di nagsama ng translator sa sinehan. Well, opinion mo ‘yan, we respect it. Kaya may sinasabing “the unpopular opinion” kasi Barbie is currently the number one movie worldwide, as of this moment.”
Umani ng samu’t saring reaksiyon ang naturang tweet ni MJ mula sa mga netizens na nakapanood na rin ng Barbie. Karamihan sa mga ito ay hindi sumang-ayon sa naging opinyon niya.
Ang komento ng isa, “Sabeeeee?!?! If you don’t really appreciate imperfections, and how this world is working when it comes to women, ‘di n’yo talaga mage-gets, promise. Lalo na sa ending part, really, walang tama sa inyong mga beauty queens?!”
Sinagot naman ito ni MJ, “Twitter warrior, ikaw na naglagay ng context sa tweet ko? Wala kang tama, sizt. I wasn't questioning the message; the movie itself was not worth my money for me.
Bye.”
“MJ Lastimosa, hindi mo lang naintindihan ang story ng Barbie [laugh in tears emojis].
Mahina ang kukote mo kasi. Mahina ang English vocabulary mo. Hindi mo lang naintindihan ang kuwento ng Barbie kasi b*ba ka,” mataray na sabi pa ng isa.
“Mapanira ‘tong si MJ Lastimosa about sa Barbie, eh. Kung hindi mo nagustuhan ‘yung movie, quiet ka na lang. P600 lang ang lugi mo, accla. ‘Di ka maghihirap sa 600 pesos. Akala mo naman best actress ka kung makapagsalita, starlet ka lang naman, accla. Masyadong toxic ang bibig mo.
Malaki na, toxic pa.”
Hindi na nga pinalampas pa ni MJ ang mga below the belt na banat sa kanya ng ilang netizens. Maging siya raw ay nawindang sa biglaang pagsugod ng mga bashers dahil sa ibinahagi niyang opinyon.
Tweet ni MJ, “Wait lang naman, sobrang online bullying naman agad kayo. Nakakatakot naman magka-opinion dito, minumura na ako ng iba sa ibang socmed ko only because I did not like a film?"
Wala rin daw siyang tinapakang tao para kuyugin siya ng mga ito, “Wala akong inapakang tao.
“Natatakot din akong i-tweet ‘to kasi magagalit na naman kayo, kasi dapat in unison ang opinion natin dito or else b*bo na agad kami?”
Dagdag pa niya, “Sorry na agad, mga Mare, kalma na. Masyado na kayong galit.”





Comments