top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sasabak ang Hotshots at Bolts sa Do-or-Die

BULGAR
Apr 1, 2022
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | April 1, 2022




Wala ng bukas para sa parehong koponan ng Magnolia Hotshots at Meralco Bolts kung sino ang didiretso sa finals para kaharapin ang naghihintay na defending champion na Brgy. Ginebra sa kanilang do-or-die Game 5 ngayong araw sa matinding semifinal match-up sa 2021 Honda PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Inaasahang mas magiging pisikalan at kaldagan ang binabantayang sagupaan ng dalawang koponan na nakatakdang magtapat sa nag-iisang laro ng 6 p.m. para sa huling silya sa championship round.

Napuwersa ng Hotshots ang isang winner-take-all game laban sa Bolts sa bisa ng 94-73 ng sukluban ng grupo ni coach Chito Victolero ang tsansa ng Bolts na makapasok na agad ng finals para makakuha ng rematch sa Gin Kings na tumalo sa kanila noong 2019 edisyon. Nagtulong-tulong sina import Mike Harris na kumana ng 34 pts at locals na sina Paul Lee na may 17 pts, Calvin Abueva na may 11 pts at Jio Jalalon na may 10 pts.

Nakatuon ang pansin ni Victolero na maipagpatuloy ng Magnolia ang pagiging masipag at pag-eenjoy sa laro. “We just live one game at a time, pinag-usapan namin na possession by possession and we need to grind, possession by possession by both ends of the floor and siguro nawawala 'yung last two games is how we enjoy the game. So right now, there are two words, we need to grind and enjoy the games,” pahayag ng 46-anyos na 2018 Coach of the year na si Victolero.

"Gayunpaman, kinakailangang magkaroon ng kaunting adjustments si Victolero sa kanyang guard spot ng masaktan ang dating UE Red Warriors local leading scorer na si Lee sa Game 4. “I know this guy na siya ang leader namin at ipinakita niya. Malaking bagay yung presence ni Paul and hopefully maka-recover siya in time for Friday. Before Game 1 may sprain talaga siya, namamaga yung paa niya. Gaya nung nangyari sa kanya, maayos lang ng PT namin he’s ready on Friday.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page