top of page

Sariling mamamayan pa rin ang pundasyon ng depensa ng bansa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 28, 2022
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | February 28, 2022



TUTOK ang buong mundo sa pananakop ng Russia sa Ukraine.


Taliwas sa ipinangako ng US at NATO, tanging ang Ukraine soldiers lamang ang dumidipensa sa kanilang bansa.

◘◘◘


NANATILING pangako lang ang pagsaklolo bagaman kinumpirma na padadalhan ng armas at foreign soldiers ang loob ng Ukraine.


Ibig sabihin, ang pundasyon pa rin ng depensa ay ang sariling mamamayan—at hindi makakaasa sa mga dayuhan ang maliliit na bansa.


◘◘◘


SAKALING makapasok sa Ukraine ang supporta ng NATO at US, tatagal ang labanan, siyempre, mawawasak nang todo ang mga siyudad.


Higit sa krisis sa COVID-19 ang mararanasan ng mamamayan.


◘◘◘


GINIYERA ng Russia ang Ukraine dahil sa panghihimasok ng mga dayuhan.


Ganyan na ganyan ang mararanasan ng Pilipinas kung sakaling giyerahin ng China ang Pilipinas.


Magsosolong idepensa ng AFP ang Pilipinas habang inaantay ang “saklolo” ng US at kaalyadong bansa.


Tatagal din ang giyera sa Pilipinas hanggang sa muling mawasak ang bansa tulad sa World War II.


◘◘◘


WALANG mabuting kauuwian ang digmaan at pakikipag-away sa kalapit na bansa.


'Yan mismo ang iniiwasan ni P-Digong—at makikita rito ang tapang at disposisyon ni P-Duterte na wala sa mga “presidentiables”.


◘◘◘


ANUMANG araw, buwan o taon ay maaaring madamay ang Pilipinas, lalo na’t kapag sorpresang kumilos ang China.


Napakahalagang magkaroon ng may sapat na oryentasyon, training at karanasan sa “military science” sa Senado.


'Yan ay isa sa mga dahilan kung bakit “indispensable” sa senate slate si ex-PNP Chief Guillermo Eleazar.

◘◘◘


MAHALAGA ang papel na gagampanan ng PMAer awardee na si Eleazar sa paggawa ng batas, lalo na may kaugnayan sa kapayapaan at military issues.


Kamakailan ay iginawad kay Eleazar ni Pangulong Duterte ang Philippine Legion of Honor na may ranggong “commander”.


◘◘◘


ANG Philippine Legion of Honor ay ang pinakamarangyang karangalan na iginagawad ng Pangulo ng Republika sa isang sibilyan nang hindi kailangan ang pagsangguni sa Kongreso.


“Nagpapasalamat ako sa pagkilalang iginawad sa atin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte matapos ang pagsisilbi sa kanyang administrasyon at sa sambayanang Pilipino bilang dating hepe ng pambansang pulisya,” pagpapasalamat ni Eleazar kay P-Duterte.


◘◘◘


SUPORTADO ni El Shaddai leader Mike Velarde si Atty. Alex Padilla bilang kandidatong mayor sa Maynila.


Suportado rin ni Velarde ang vice mayoralty candidate at aktor na si Raymond Bagatsing.


◘◘◘


INILAHAD nina Lopez at Bagatsing kay Velarde ang kanilang plataporma sa Maynila sakaling magwagi.


Kasama ng dalawa na naging panauhin ng El Shaddai sa isang pagtitipon sa Paranaque ang mga senatorial candidate na sina Harry Roque, Jinggoy Estrada; Bulacan gov. Daniel Fernando at Board Member Alex Castro.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page