Sarili naman daw niya ngayon… RABIYA, PROUD NA NAPAG-GRADUATE ANG UTOL, MADIR NABIGYAN NG BAHAY
- BULGAR

- 3 hours ago
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Talkies | August 23, 2026

Photo: IG _rabiyamateo
Matapos ang ilang taon ng pagsasakripisyo para sa kanyang pamilya, panahon na para sa beauty queen-aktres na si Rabiya Mateo na unahin naman ang sarili at ang kanyang pangarap na maging doktor.
Ibinahagi ng aktres ang bagong kabanata ng kanyang buhay matapos niyang magampanan ang kanyang mga responsibilidad bilang breadwinner. Napagtapos na niya ang kanyang kapatid at nabigyan na rin ng sariling bahay ang kanyang ina.
“I decided to go back to my studies simply because I think I’m done with my responsibility as the breadwinner of my family. I sent my brother to school. He is already done. I already bought my mama a house, so now I think I have all the time to focus on my goal and my dream of becoming a doctor,” saad ni Rabiya.
Wow, sana all! Maganda, mabait at mapagmahal na sa pamilya, matalino pa.
Good luck sa pangarap mong maging doktor, Rabiya!
NAGBAHAGI ng mga plaque para sa mga recipients ng The Gawad Rosa Rosal Award ang TV host na si Toni Rose Gayda, anak ng beteranang aktres na si Rosa Rosal.
Sa katatapos lamang na awarding ceremony, isa sa mga pinagkalooban ng parangal ang aktres, entrepreneur, at philanthropist na si Ms. Cecille Bravo, na kilala sa kanyang malasakit at pagtulong sa kapwa.
Ayon kay Toni Rose, tatlong taon na niyang kilala si Cecille at masasabi niyang consistent ito sa paggawa ng mabuti at pagtulong sa iba.
Ani Toni, “Gusto ko lang pong ipaalam, I’ve known Cecille for the past three years, at consistent po s’ya. S’ya po ay nasa Hall of Fame na. She has been a recipient of The Gawad Rosa Rosal Award.
“Isa po s’yang magaling na entrepreneur, isa po s’yang philanthropist, at higit po sa lahat, isa po s’yang taong napakalaki ng puso. Talagang may ginintuang puso, and I could very well attest to that.
“Cecille, thanks so much. If my mom were looking down right now, she would say, ‘Cecille, job well done, and I love you.’ Thank you, sis. This is for you.”
Samantala, nagpaabot din ng pasasalamat si Ms. Cecille Bravo, lady boss ng Intele Builders and Development Corporation, para sa natanggap na pagkilala.
Para kay Cecille, ang parangal ay isang lifetime achievement na malaking karangalan para sa kanya. Umaasa rin siyang magsisilbi itong inspirasyon upang mas marami pang tao ang mahikayat na gumawa ng mabuti at tumulong sa kapwa.
Aniya, “I’m so thankful at ito ay lifetime achievement award na, and as always, grateful na nabibigyan ng recognition. Kahit na mga maliliit na bagay ang nagagawa ko ay napapalaki, and hopefully ay nai-inspire ang iba.”
Sa pamamagitan ng The Gawad Rosa Rosal Award, patuloy na binibigyang-pugay ang mga indibidwal na may malaking ambag sa pagtulong sa kapwa at sa kanilang komunidad, isang adhikain na malapit sa puso ni Rosa Rosal.
Isang malaking congratulations, Ms. Cecille Bravo!
NAGPAHAYAG ng saloobin si Sen. Robin Padilla kaugnay ng pamamaril na naganap sa Ateneo de Zamboanga University.
Sa isang Facebook (FB) Live, nanawagan si Sen. Robin para sa mas mahigpit na regulasyon sa mga content na napapanood ng mga kabataan sa streaming services, online platforms, at free TV.
Aniya, “Maawa kayo sa mga batang Pilipino. Kayo ‘yung mga nagpapalabas online, kayong mga nasa free TV sa Pilipinas, tama na, maawa kayo. Ginagaya na kayo.”
Dagdag pa ng senador, kung hindi kayang kontrolin ang mga naturang content, dapat umanong isaalang-alang ang pagbabawal sa mga ito sa Pilipinas.
In fairness, may punto si Sen. Robin na dapat bawasan ng mga kabataan ang panonood ng mararahas na palabas at dapat din silang gabayan ng mga magulang.
Pak, tumpak!
‘Yun lang, and I thank you.





Comments