Sarangani, niyanig ng 5.9-magnitude na lindol
- BULGAR
- Jan 24, 2023
- 1 min read
ni Lolet Abania | January 24, 2023

Niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang silangan ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental ngayong Martes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Batay sa ahensiya ang lindol, kung saan ibinaba mula sa magnitude 6, ay naitala ng alas-10:13 ng umaga at may lalim na 27 kilometro habang tectonic ang pinagmulan.
Ayon pa sa PHIVOLCS, wala namang napinsala sa subalit asahan na ang mga aftershocks.
Nauna rito, isa ring 5.2-magnitude na lindol ang tumama sa timog-silangan sa parehong isla.




Comments