top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sarangani Marlins at Bicol Volcanoes, nanlusaw

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 16, 2021
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | December 16, 2021





Pumutok muli ang LCC Malls-Bicol Volcanoes para sa 86-71 tagumpay sa FSD Makati Blazers sa pagpapatuloy ng CTG Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Invitational kahapon sa MOA Arena. Sa unang laro, nakamit ng Sarangani Marlins ang kanilang unang tagumpay at nanatiling walang panalo sa dalawang laro ang Muntinlupa Cagers, 75-66.


Rumagasa agad ang Volcanoes, 13-0, upang buksan ang aksiyon. Hindi nakabangon ang Blazers mula roon at lumobo hanggang 26 ang lamang ng Volcanoes bago magwakas ang third quarter, 71-45.


Nanguna sa Bicol si Mark Jayven Tallo na may 21 puntos at umakyat sa 2-1 ang Volcanoes Grupo B. Sinundan siya nina Ralph Tansingco na may 15 puntos at Best Player Mark Yee na may 10 ng kanyang 14 puntos sa 2nd quarter na may kasamang 13 rebound.


Ipinagpag ng Marlins ang mabagal na simula kung saan pinalamang ang Cagers sa first quarter, 24-15, sa likod nina Chino Mosqueda, King Destacamento at John Arthur Vidal.

Nagising sa tamang panahon ang Sarangani at sumandal kay Jordan Sta. Ana, Marvin Lee at Yvan Ludovice at humabol. Gumawa ng 10 ng kanyang 18 puntos sa second quarter si Sta. Ana upang mapiling Best Player. Tinulungan siya nina Lee na may 14 at Ludovice na may 12.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page