Sarangani, Davao Occidental, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol
ni Lolet Abania | October 23, 2022

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang baybayin ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental ngayong Linggo ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Naitala ang lindol ng alas-10:15 ng umaga na tectonic ang pinagmulan at may lalim na 259 kilometro.
Unang nai-report ng PHIVOLCS na magnitude 5.6 ang lindol, subalit nai-downgrade nila ito sa 5.1 magnitude.
Matatagpuan ang epicenter nito sa layong 02.98°N, 128.65°E - 447 km S 53° E ng Balut Island.
Ayon pa sa PHIVOLCS, wala namang pinsala at inaasahang aftershocks matapos ang lindol.





Comments