top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

SARAH AT MATTEO, MAKA-BBM, TAHIMIK LANG DAHIL BAWAL SA ENDORSEMENTS

BULGAR
May 26, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | May 26, 2022



Isang tahimik, simple, pero masayang buhay ang nararanasan ngayon ng Pop Royalty na si Sarah Geronimo sa piling ng kanyang mister na si Matteo Guidicelli.


Matapos nilang magpakasal, isa-isa nilang binuo ang kanilang mga pangarap.


Naranasan ni Sarah ang isang malaya at stress-free na buhay. Naging supportive si Matteo sa kanyang pretty wifey. Bumili sila ng farm at dito ay nalilibang sila sa pagtatanim ng mga fruit-bearing trees. Nag-enjoy si Sarah sa buhay-probinsiya.


Nauna rito ay ang groundbreaking para sa itatayo nilang “dream house”. Ito ang tinututukan ngayon nina Matteo at Sarah. Kaya, on hold muna ang kanilang “baby project” na hinihintay na ng kanilang mga tagahanga.


Pero, mukhang hindi nga sa taong ito magkakaroon ng katuparan ang pangarap nina Sarah at Matteo na magkaroon na sila ng little angel na bubuo sa kanilang pamilya. Marami pang commitments si Sarah na dapat tapusin.


May malaking concert pa siyang gagawin na produced ng Viva Entertainment kaya hindi nila maisisingit ang baby project sa taong ito.


Samantala, may mga nagtatanong kung totoo bang ipinagbawal muna kina Sarah at Matteo ang pag-eendorso ng sinumang pulitiko-kandidato noong nakaraang eleksiyon kaya hindi sila lumantad sa anumang rally ng kahit sinong presidentiable?


Pero may mga taong malapit kay Matteo ang nagsasabing silent supporter sila ni Sarah ng BBM-Sara UniTeam. Noon kasing si P-Du30 ang kumakandidato, nakikita si Matteo na kasama ng grupo ni Duterte.


Nitong nakaraang eleksiyon, may mga celebrities na hindi basta puwedeng mag-endorso ng sinumang pulitiko dahil may mga product endorsements silang maaapektuhan. Kaya ang ilan sa kanila ay pinili na lang na manahimik at hindi dumadalo sa mga rallies.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page