Sara Duterte sa mga supporter: “‘Wag maglalagay ng poster sa puno”

ni Jasmin Joy Evangelista | February 6, 2022

Nagpaalala si Vice presidential aspirant at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa kanyang supporters na huwag maglalagay ng kanyang banner o poster sa mga puno.
“Paalala lang po sa mga kaibigan huwag po natin ikabit ang aking banners sa mga puno, please po pakitanggal at ilipat. Nasasaktan po ang mga puno at ayaw natin magalit sila sa akin,” ani Duterte-Carpio sa isang Facebook post.
Sinabi rin ni Duterte-Carpio na siya ang may akda ng kautusan na nagbabawal sa pagpapaskil ng banners sa mga puno noong siya ay vice mayor ng Davao City.
Si Inday Sara na anak ni Pangulong Duterte ay tumatakbo sa pagka-bise president kasama si former senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang kanyang running mate.





Comments