top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sara Duterte nais itigil ang mga lockdown; magpo-focus sa pagbibigay ng trabaho 'pag naging VP

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 4, 2022
1 min read

ni Jasmin Joy Evangelista | March 4, 2022



Nais ni Uniteam vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na itigil ang mga lockdown at kawalan ng trabaho para sa mga Pilipino sanhi ng COVID-19 pandemic.


Sinabi ni Duterte-Carpio na magpo-focus siya sa pagbibigay ng trabaho sa mga Pinoy sakaling manalong vice president sa Mayo.


“Tigilan ang lockdown o alert level. Bukas, sarado. Bukas, sarado ang mga negosyo. Ibalik natin ang mga negosyo. Ibalik natin ang mga trabaho na nawala dahil sa pandemya,” ani Duterte-Carpio nitong Huwebes sa ginanap na rally sa Calatagan, Batangas.


“Ang dami po sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Doon po muna tayo tututok, ibalik natin ang trabaho na mawala dahil sa pandemya,” dagdag niya.


Ang ipinatupad na lockdowns ng gobyerno ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte ay isa sa mga pinakamahabang lockdown sa buong mundo, na siyang ipinatupad upang makontrol ang pagdami ng bilang ng tinatamaan ng virus sa bansa.


Ayon pa kay Inday Sara, kung siya ay mananalo sa pagka-bise president, magpo-focus siya sa entrepreneurship, peace building in communities, at child protection.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page