Sapol si P-BBM sa mga pagtira kay ES Rodriguez
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 26, 2022
P-BBM, SAPOL SA MGA ATAKE KAY ES RODRIGUEZ—Matapos pabulaanan ni Executive Sec. (ES) Vic Rodriguez ang kumalat na balitang siya ay nag-resign sa posisyon, binalaan ni Magsasaka partylist Rep. Argel Cabatbat ang executive secretary na maging mapagmasid dahil tila may isang grupo sa Malakanyang o sa labas ng Palasyo na nagpakilalang malapit sa pamilya Marcos ang nais gumiba sa kanya para siya ay magbitiw sa puwesto.
Kung totoo ito, bad 'yan dahil ang anumang paggiba o paninira sa executive secretary ng pamahalaan ay tiyak na kay P-BBM magbu-boomerang.
◘◘◘
BAD TINGNAN NA WALA PANG ISANG BUWAN AY MAY NAGRE-RESIGN NA SA ADMINISTRASYONG MARCOS—Sa totoo lang, bad news ang sabi-sabi na nag-resign na si ES Rodriguez sa Marcos administration.
Kung totoong nag-resign si ES Rodriguez, aba'y mantakin n'yo, wala pang isang buwan sa posisyon si P-BBM ay may kumalas na sa kanyang administration at hindi lang basta simpleng opisyal ang nagbitiw, kundi executive secretary at alam naman nating lahat na kapag may nagre-resign ay may nakikitang hindi mabuti sa pamahalaan.
'Ika nga, mabuti na lang at fake news ito, kaya't sa mga nagpapakalat ng fake news ay tantanan n'yo na 'yan kasi hindi nakabubuti sa Marcos administration.
◘◘◘
PIYESTA ANG MGA 'KAKAMPINK' AT 'DILAWAN' KAPAG NAG-RESIGN SI ES RODRIGUEZ—Kung kilala ni P-BBM ang mga gumigiba kay ES Rodriguez, dapat pagsabihan niya ang mga ito na tantanan ang paninira sa kanyang executive secretary kasi baka mapikon ito at tuluyang mag-resign.
At kapag nag-resign, siguradong pagpipiyestahan ito sa social media ng mga 'kakampink' at 'dilawan'.
◘◘◘
SANGKATERBANG SAKLAAN, NAG-OPERATE NA SA MALABON—Sa Malabon City, piyesta na ang mga sugarol sa kasusugal at sagana na rin ang mga parak na may mga "tongpats" collector.
Ang dahilan, nag-operate na ang sangkaterbang saklaan ni alyas Lina Robles sa lungsod na ito.





Comments