top of page
Search
  • BULGAR

Sapaw kay Janella… HIRIT NG NETIZENS: JANE, ANG DARNANG BALOT NA BALOT!

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | August 16, 2022




Ang daming bashers ni Jane de Leon na tipong 'di raw kagandahan ang wankatitat bilang bagong Darna 2022, ha?!


Kagabi (Lunes) ay nagsimula nang lumipad ang Darna ng Kapamilya Network. Pero nu'ng grand preskon pa lang ng action serye ay may ilang nang-bash na agad sa bida ng Darna na si Jane.


Mas okay pa raw ang wankatitat ni Janella Salvador kesa kay Jane dahil nu'ng rumampa sa red carpet grand preskon ng new Darna series ay para itong beauty queen na rumampa at kita ang makinis nitong dibdib at may cleavage. 'Di raw tulad ni Jane na balot na balot ang katawan sa suot niyang white outfit at tipong may kapayatan.


Dinepensahan naman ni Jane ang sarili by saying, “Ang sa akin, panoorin muna nila ‘yung Darna para ma-appreciate nila ‘yung character ko and me as Jane de Leon."


Inamin din niyang nasasaktan siya sa pamba-bash ng mga netizens, pero naiintindihan niyang kailangan niyang patunayan ang kanyang sarili bilang Darna lalo't marami nang unang gumanap sa Pinoy superheroine role na ito.


Well, Jane, at least, kahit 'di ka pa super-sikat, binabato ka na ni Ding… este ng mga bashers, so be thankful na lang at ngayon pa lang ay napapansin ka na nila.


Dagdag-publicity din 'yun para sa 'yo, okidoki?


'Yun lang and I thank you.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page