top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sapat na suplay ng pagkain, tubig, kuryente, tiyakin vs. El Niño

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 20, 2024
  • 1 min read

@Editorial | Pebrero 20, 2024


Ramdam na ang El Niño.


Sa ngayon, mahigpit umanong mino-monitor ng Task Force El Niño ang iba’t ibang sektor ng pamahalaan partikular ang water, power supply at presyo ng mga pagkain.


Ito’y sa gitna ng banta ng matinding El Niño phenomenon na nararanasan ng bansa.


Mahigpit ang direktiba na tiyakin ang food security, water at power supply at maging ang kalusugan ng bawat mamamayan.


Napag-alaman na may mga naiulat nang pinsala sa agrikultura sa bigas at mais partikular sa dalawang rehiyon -- Western Visayas at Zamboanga Peninsula.


Batay naman sa ulat ng state weather bureau, ang temperatura ay maaaring umabot sa 36.5 degrees sa Metro Manila at posibleng pumalo sa 40 degrees sa Northern Luzon.


Una nang iniulat ng Task Force na nasa 41 probinsya na ang apektado ng El Niño.


Nagbabala rin na sa katapusan ng Pebrero, nasa 10 pa ang maaapektuhan ng El Niño.


Umaasa tayo na patuloy ang pagsisikap ng gobyerno na matugunan ang kinakaharap na El Niño. Hindi man mapigilan ang epektong maidudulot, sana’y may mga paraan upang hindi ito lubusang maramdaman.


Ngayon palang, sana ay nakalatag na ang mga tulong na sasaklolo sa mga probinsya.


Batid naman natin ang domino effect. Kahit pa magsimula ang problema sa pinakadulong bahagi ng bansa o sa pinakaliblib na lalawigan, tiyak na aabot sa iba’t ibang panig ng bansa ang epekto nito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page