top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Sapat na PUV ngayong holiday season, iwas-aksidente

BULGAR
Nov 27, 2022
1 min read

@Editorial | November 27, 2022


Inaasahan ang milyun-milyong biyahero ngayong holiday season.


Kaugnay nito, dapat tiyakin ng Department of Transportation (DOTr) na ang mga provincial traveler ay makakakuha ng sapat na transportasyon.


Ang kakulangan ng mga pampublikong sasakyan ay puwedeng samantalahin ng mga kolorum na maaari namang magdulot ng panganib sa kaligtasan ng mga pasahero.


Kaya panawagan sa kinauukulan, bantayang maiigi ang mga “unauthorized for-hire vehicles na kadalasang naniningil pa nang sobra.


Alalahanin nating libu-libong katao ang namamatay dahil sa aksidente sa transportasyon.


Kaya sa mga drayber, pakiusap, palaging tiyakin ang kaligtasan habang nasa biyahe. Bagama’t may mga pagkakataong sadyang hindi maiwasan ang may masamang mangyari, mainam pa rin na alam nating may ginawa tayo para mapangalagaan ang ating sarili at sa mga pasahero. Magmaneho nang nasa maayos na kondisyon, inspeksyuning mabuti ang sasakyan, sumunod sa mga batas-trapiko at higit sa lahat ay humingi ng gabay sa Diyos.


Ihatid natin nang ligtas ang ating mga pasahero sa kanilang pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page