Sapat na pondo para sa contact tracing ng bansa, dapat lang!
ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | September 16, 2021
Nababahala tayo sa kawalan ng pondo para sa contact tracing sa P5.024-trillion 2022 proposed budget.
P248 bilyon ang maaaring makuhang budget ng Department of Interior and Local Government sa 2022.
Ang tanong, bakit hindi naglaan ng pondo ang ahensya para sa contact tracing gayung hindi pa rin naman mawawala ang COVID-19 sa susunod na taon, at napakahalaga nito sa pagsisikap na makontrol ang pagkalat ng sakit?
Maraming hamon — oo, ngunit kinakailangang i-scale-up o paigtingin natin ang ating contact tracing lalo pa’t patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
☻☻☻
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, mangangailangan ng dagdag na P6.7 bilyon ang ahensiya para mapondohan ang contact tracing ng bansa.
Sa gitna ng pandemya, sadya nga bang may mga programa pang mas mahalaga kaysa contact tracing kaya ito nadedma?
Makakaasa ang mga kababayan nating bubusisiin ng buong Kongreso ang budget nang masigurong may pondo ang mga mahalagang salik sa paglaban natin sa pandemya.
Ngunit ang panawagan nating muli’t muli sa mga ahensya, ayusin naman ang ating priorities.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay





Comments