Santillan, malakas sa RoS; Crossovers, unbeatable
- BULGAR
- Feb 17, 2023
- 1 min read
ni Gerard Arce / C.Mariano @Sports | February 17, 2023

Nagsanib-puwersa sina Gabe Norwood at Andrei Caracut upang ibigay ang lamang sa RoS bago umiskor si Santillan ng winning basket sa papaupos na segundo. Bagamat hindi nakapaglaro si bagong import Greg Smith dahil hindi nakakuha ng clearance na makalaro sa FIBA World qualifying hindi nasiraan ng loob ang locals at binalikat ni Santillan ang panalo ng RoS.
Samantala, humarurot patungo sa malinis na 3-0 kartada ang Chery Tiggo Crossovers nang pataubin sa unahan ang pagsosyo sa liderato ng F2 Logistics Cargo Movers sa bisa ng straight set panalo 25-19, 25-14, 25-16, kahapon sa pagpapatuloy ng eliminasyon ng 2023 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.
Bukod sa malulutong na hambalos ng 2022 Reinforced Conference MVP at league leading scorer Mylene Paat, kumarga ito ng game-high 22 puntos mula sa 20 atake at tig-isang ace at block, naging mabisa rin ang pambihirang floor defense ng Crossovers ng masalo nito ang 70-of-129 digs at 25-of-6 receptions sa pangunguna ng double-double ni ace libero Ria Beatriz “Buding” Duremdes na lumista ng 25 digs at 13 excellent receptions.
“Nakikinig lang kami sa sinasabi ng coaches namin at ginagawa na lang namin. Isa pa napaka-thankful ko na tinututukan kami sa training kung anong gagawin namin sa loob ng court,” pahayag ni Duremdes na hinirang na Best Player of the Game.








Comments