top of page
Search
  • BULGAR

Santiago, Bagunas at Espejo, bidang-bida sa Japan V.League

ni MC - @Sports | January 17, 2022





Naging matagumpay ang unang salang sa laro ngayong pagpasok ng taon si Jaja Santiago ng kanyang Saitama Ageo Medics nang dispatsahin ang Kurobe Aqua FAiries, 25-20, 22-25, 25-23, 25-19 sa Japan V. League, Sabado ng gabi sa Saiden Chemical Arena.


Nakagawa ang Pinay import ng 16 puntos para sa panalo at 11 attacks at impresibong 5 blocks habang namahala sa opensive si Tisheira Lorenne para sa Ageo sa inirehistrong 21 marka, 18 attacks, 2 blocks at ace. Umangat na sa 9-6 ang panalo talo ng Ageo habang ang Kurobe ay sumadsad sa 2-13.


Ang pagbawing panalo ng Ageo Medics ay nagmula na rin sa five set na pagkatalo laban sa Hitachi Rivale noong Dis. 5 kung saan 6 puntos lang ang nagawa ni Santiago. Sisikapin nilang makapagrehistro ng isa pa muling panalo sa pagharap kagabi kontra Kurobe.


Samantala, kapwa nakapagtala ng panalo ang dalawang Pinoy imports na sina Bryan Bagunas at Marck Espejo sa 2021 Japan V. League para sa panalo sa pinag-ibayong 4-13 win-loss card slate.


Nagpakawala ang 24-anyos na reinforcement ng game-high 28 puntos, 25 attacks, 2 blocks at 1 service ace habang umambag si Emerson Rodriguez ng 21 marka, 21 attacks at ace.


Sa kabilang banda, sa limitadong minuto lang nasalang si Espejo pero ginapi ng kanyang FC Tokyo team ang VC Nagano Tridents, 26-24, 25-14, 22-25, 25-14 at nakabawi sila mula sa nakaraang pagkatalo kontra Panasonic.


Pinamahalaan ni Bagunas ang Oita Miyoshi upang lupigin ang Panasonic Panthers sa five-set thriller, 35-33, 21-25, 26-24, 18-25, 16-14. Scoreless pa ang Pinoy nang maglaro sa opening set. Naglaro muli ang Oita Miyoshi at FC Tokyo kagabi laban sa parehong katunggali.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page