top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sangkot sa ‘paluwagan scam’, tuluyan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 10, 2024
  • 1 min read

@Editorial | Enero 10, 2024


Hanggang ngayong taong 2024 ay bitbit natin ang problema sa talamak na scam.


Iba-iba ang diskarte pero iisa lang ang target, ang makapambiktima at makakulimbat ng malaking pera.


Tulad ng kasong tinututukan ngayon na tinatawag na ‘paluwagan scam’. Kung saan, tinatayang aabot umano sa P800 milyon ang perang natangay sa isang paluwagan scam sa Pasig City.


Dumulog na sa city hall at National Bureau of Investigation (NBI) ang mga biktima para humingi ng tulong at magsampa ng reklamo.


Hiniling din sa may-ari at operator ng umano’y “paluwagan scam” na lumabas at harapin ang mga investor.


Binibigyan pa rin ng pagkakataon ang mga inirereklamo na sabihin ang totoo dahil sa pinakahuling post umano nila, wala pa ring pag-amin na ilegal ang kanilang negosyo.


Nauna nang binalaan ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang publiko laban sa pamumuhunan sa kumpanya dahil hindi umano ito rehistrado at walang lisensya para mangolekta ng pera.


Sana’y agad na mabigyang linaw ang kasong ito, hindi biro ang halos isang bilyong piso.


Kung may dapat managot, panagutin na at huwag nang patagalin pa.


Patuloy din ang paalala sa lahat na anumang negosyo o transaksyon na papasukin, kailangang maging mas wais lalo na sa panahon ngayon na talamak ang scam.

 

 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page