Sangkot sa P289M flood scam... 3 kapwa akusado ni Zaldy Co, idineklarang pugante

by Jeff Tumbado @News | November 20, 2026

Photo: File
Idineklara ng Sandiganbayan Fifth Division bilang mga pugante sa batas ang tatlong kapwa akusado ng dating kongresistang si Zaldy Co at iniutos ang pagkansela sa kanilang mga pasaporte.
Sa resolusyong inilabas noong Nobyembre 10, kinilala ang tatlo na sina Timojen Sacar, material engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH), at Anthony Ngo at Consuelo Aldon, kapwa board members ng Sunwest.
Nahaharap ang tatlo sa kasong graft kaugnay ng umano'y substandard na P289.5 milyong flood control project sa Oriental Mindoro.
Ayon sa korte, patuloy na nagtatago ang mga akusado sa kabila ng mga warrant of arrest na inilabas laban sa kanila noong Nobyembre 2025.
Binigyang-diin ng Sandiganbayan na ang kanilang pagtatago ay nagpapakita ng sinasadyang pag-iwas sa hustisya.





Comments