Sangkot sa karumal-dumal na krimen... Selda para sa menor-de-edad
- BULGAR

- 12 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | July 2, 2026

Photo: Sen. Raffy Tulfo - Senate PH
Isinusulong ni Senador Raffy Tulfo ang pag-amyenda sa Republic Act 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act upang mapondohan ang pagpapatayo ng hiwalay na detention facility para sa mga menor-de-edad.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Women and Children, sinabi ni Tulfo na hindi sapat na inilalagay lamang sa mga Bahay Pag-asa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga child in conflict with the law (CICL) na gumawa ng heinous crimes.
“Naniniwala ako na hindi sila dapat ihalo sa hardened criminals. Everybody believes that. Pero hindi rin dapat mawala ang mensahe na ang bawat aksyon ay may consequence,” ani Tulfo.
Binigyang-diin din ng senador na dapat pag-aralan ng Department of Education (DepEd) ang pagsasagawa ng supervised boot camps o immersion programs kung saan magbabahagi ng kanilang karanasan ang mga reformed ex-Persons Deprived of Liberty (PDL) upang magsilbing babala sa mga kabataan.
Sinang-ayunan naman ito ni Jamie Separa, ina ng isa sa mga estudyanteng nasawi sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.





Comments