Sangkot sa flood control, ‘di sineseryoso… BELA, GIGIL MUCH NANG MAG-FINGER HEART SI SARAH DISCAYA
- BULGAR
- 7 hours ago
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | September 29, 2025

Photo: FB / Bela Padilla
Muling binatikos ni Bela Padilla si Sarah Discaya matapos kumalat online ang larawan ng controversial lady contractor habang nagpi-finger heart sa labas ng Department of Justice (DOJ) noong Setyembre 27.
Ang mag-asawang Sarah at Curlee Discaya ay bumisita sa DOJ para magsumite ng ebidensiya kaugnay ng diumano’y iregularidad sa flood control projects.
Habang may ilan na hindi pinansin ang gesture ni Sarah, marami rin ang nakakita na hindi nito sineseryoso ang kabigatan ng kaso.
Sa isang larawan mula sa ABS-CBN News, makikitang nakangiti si Sarah at nag-finger heart, isang Korean-inspired gesture na simbolo ng pagmamahal habang nakaharap sa media.
Sey ni Bela, “Ang laki nang ginawa nila ng asawa n’ya sa ating lahat (clown emoji).”
Dagdag pa niya, “@doj.ph katanggap-tanggap ba sa inyo ang ganitong pag-uugali?”
Para kay Bela Padilla, tila minamaliit ni Sarah ang seryosong isyu na may kinalaman sa pananagutan at tiwala ng publiko.
Sa ngayon, ang mag-asawang Discaya ay sumasailalim sa pagsusuri ng DOJ para maisama sa witness protection program.
Piktyur sa ospital, kumalat…
LUNG CANCER NI OGIE, FAKE NEWS DAW
HINDI nakaligtas si Ogie Alcasid sa fake news matapos kumalat online na may lung cancer daw siya. May larawan pa na nagpapakita umano na nasa ospital ang singer-TV host.
Agad na pinabulaanan ni Ogie ang maling balita at ini-repost sa kanyang Instagram (IG) page ang lumabas sa Facebook (FB).
Nilagyan pa niya ito ng caption na: “Isa na namang malaking fake news ito!!!”
Hindi ito ang unang beses na nadamay si Ogie sa fake news. Noong Abril 2024, ikinalat ng ilang content creators na meron daw siyang osteoarthritis at gumaling dahil sa ipinahid na cream.
Ang mga larawan na ginamit noon ay mula rin sa IG post ni Ogie Alcasid.