top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sangkatutak man ang czar, kulelat pa rin sa Southeast Asia at Western Pacific Region ang

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 20, 2021
  • 2 min read

ang ‘Pinas sa laban kontra COVID.


ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 20, 2021



ANG DAMING CZAR SA BANSA PERO KULELAT PA RIN SA SOUTHEAST ASIA AT WESTERN PACIFIC REGION ANG ‘PINAS SA LABAN KONTRA COVID-19—Hindi lang vaccine czar, contact tracer czar, isolation czar, testing czar, treatment czar meron ang IATF (Inter-Agency Task Force) ng Duterte gov’t. dahil meron pa pala itong zero hunger czar at ang chairman nito ay si Cabinet Sec. Karlo Nograles.


Mantakin ninyo, sobrang daming itinalagang czar ni P-Duterte sa IATF, pero hanggang ngayon ay kulelat pa rin ang bansa sa Southeast Asia at Western Pacific Region sa pagtugon sa laban sa COVID-19, boom!


◘◘◘


KUNG MAY DELICADEZA SI NOGRALES, MAG-RESIGN NA SIYA BILANG ZERO HUNGER CZAR—Ang mandato ni zero hunger czar Nograles ay tiyaking walang magugutom na mamamayan sa gitna ng pandemya, pero ang masaklap, imbes na walang magutom, ang daming nagutom.


Dahil nga maraming nagugutom at parang walang pakialam ang pamahalan ay may naglunsad ng community pantry sa Maginhawa St., Quezon City, na ang layunin ay mag-ambag-ambag para bigyan ng makakain ang maralitang nagugutom at ang community pantry na ito ay kalat na ngayon sa iba’t ibang panig ng bansa.


Kaya kung may delicadeza si Nograles, dapat mag-resign na siya sa kanyang puwesto kasi ang mandato niyang pakainin ang mga nagugutom ay ang community pantry organizers na ngayon ang gumagawa, period!


◘◘◘


POSISYONG ZERO HUNGER CZAR, PAMPAPOGI POINTS LANG KAY NOGRALES—Kung may pondong inilaan ang pamahalaan kay Nograles bilang zero hunger czar ay dapat imbestigahan kung saan ito napunta.


Pero kung wala namang inilaang pondo ay dapat alisin na sa IATF ang posisyong zero hunger czar kasi lumalabas na pampa-pogi lang ito ni Nograles at propaganda ng pamahalaan, boom!


◘◘◘


SANA BUKSAN ULIT ANG MGA ‘DUTERTE KITCHEN’ KASI MARAMI NG NAGUGUTOM—Ngayong maraming nagugutom, napapanahon na buksan ulit ang mga isinarang “Duterte Kitchen” upang pakainin ang mga kababayang kumakalam ang sikmura sa gutom sa gitna ng pandemya.


Tandang-tanda pa kasi ng mamamayan na noong panahon ng kampanyahan nong 2016 Presidential election ay may mga nagsulputang “Duterte Kitchen” na libreng pinakakain dito ang mga nagugutom, pero makalipas ang ilang araw ay matapos manalong pangulo si P-Duterte, ang masaklap ay isinara na ang establisimyentong ito, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page