top of page
Search
BULGAR

Sangkaterba ang gambling sa Manila, kaya top sa Southeast Asia sa rami ng krimen

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | July 15, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

SANGKATERBANG GAMBLING LORDS, DAPAT SISIHIN SA DATA NA TOP SA MARAMING KRIMEN ANG MANILA SA SOUTHEAST ASIA -- Ang sinumang nalulong sa gambling kapag nabaon dahil pulos talo ang inaabot sa katataya, para ‘ika nga makabawi, ay diyan na gumagawa ng krimen. May magnanakaw, manghoholdap, mangangarnap, magbebenta ng droga at paggawa ng iba pang labag sa batas.


Sa inilabas na data ng Numbeo Website na nakabase sa Serbia, ang Manila ang top sa may maraming krimeng naganap sa mga lungsod sa Southeast Asia, at walang ibang dapat sisihin diyan kundi ang sangkaterbang raket na STL bookies-con jueteng, lotteng at EZ-2 ng mga Manila gambling lords na sina " "Boy Abang," "Lorna," "Paknoy,"  "Dani Bukol," " Anna," " Prades," "Tonton," "Tata Ber", at "Lando," na ewan kung bakit hindi mapa-stop nina Mayora Honey Lacuna at Manila Police District (MPD) Director, Brig. Gen. Arnold Ibay, tsk!


XXX


MGA VLOGGER NA NAGPU-PROMOTE NG ONLINE GAMBLING NG MGA POGO, DAPAT IMBITAHAN NG SENADO -- Inanunsiyo ng Pagcor noong June 14, 2024 na nasa 300 ang illegal na Chinese Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Pilipinas.

Ang operasyon ng POGO ay patungkol sa online gambling. 


Panawagan kina Sen. Risa Hontiveros at Sen. Sherwin Gatchalian na imbitahan at imbestigahan din nila sa Senado ang mga sikat na vloggers na nagpu-promote ng online gambling para malaman kung may koneksyon sila sa POGO, at kung legal o illegal ang pinu-promote nilang mga pasugalan sa social media, period!


XXX


MAS LAMANG ANG TALO SA SUGAL KAYSA PANALO -- Panawagan sa mga Pinoy netizens na i-unfollow nila ang mga vloggers na nagpu-promote ng online gambling sa socmed upang hindi sila malulong sa sugal.

Iyan ay kung ayaw nilang maging adik sa sugal at maloko ng mga vloggers na nanghihikayat sa kanila na tumaya sa online gambling na mas lamang ang talo kaysa panalo, boom!

XXX

MAJORITY PINOY, GUSTO PANG ILUKLOK ULI ANG 3 FORMER SENATORS NA KABILANG SA NAG-APRUB SA MALA-PALASYONG NEW SENATE BLDG. -- Pasok sa top 12 senatorial survey ang tatlo sa mga dating senador na sina former Senators Tito Sotto, Ping Lacson at Manny Pacquiao na kabilang sa 14 na bumoto pabor sa pagpapagawa ng mala-palasyong New Senate Building sa Taguig City.


Ayon sa Dept. of Public Works and Highways (DPWH) ay aabot sa higit P27 billion tax payers money ang kabuuang gagastahin sa gusaling ito, at nakalulungkot isipin na gusto pa uling ibotong senador ng majority Pinoy para bigyan ng power sa gobyerno ang tatlong dating mambabatas na ito, tsk!

0 comments

Recent Posts

See All

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page