top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sanggol na dinukot sa Ermita, naibalik na sa ina

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 18, 2024
  • 1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 18, 2024




Naibalik nang ligtas sa kanyang ina nitong Linggo ang isang sanggol na dinukot sa Ermita, Maynila.


Isang babae ang tumangay sa 7 buwang sanggol nitong Biyernes ng hapon.


Kwento ng babae, iniabot sa kanya ng lolo ang bata dahil sa pagod na mag-alaga.

Ayon naman sa ina ng sanggol, kinailangan niyang iwan ang anak sa lolo nito dahil papasok siya sa trabaho.


Dapat ay kukuhanin na niya ang anak ngunit doon na niya nalamang nawawala ito kaya doon na siya agad na humingi ng tulong sa mga otoridad.


Sinuri ang mga CCTV at doon nakita kung sino ang kumuha sa bata kaya nag-post na ang kanilang pamilya sa social media.


Nakatanggap sila ng mensahe matapos ang ilang oras sa isang alyas Jenny Fernandez na nasa kanya ang sanggol at wala raw siyang balak na kuhanin ito.


Humingi ng tulong ang ina sa Manila Police District matapos aminin ng babaeng natakot daw ito kaya nagtago sa Bulacan.


Nag-message ulit si Jenny at sinabing isasauli na niya ang sanggol at doon nagtungo ang mga otoridad at pamilya sa Baclaran para makipagkita dito.


Matapos makuha ang sanggol ay sumama naman si Jenny sa mga pulis para magbigay ng pahayag.


Hindi naman na nagsampa ng kaso ang pamilya laban kay Jenny at kakaharap sa imbestigasyon ang lolo ng bata upang magkaroon ng linaw ang nangyari.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page