top of page

Sandata, agaw-eksena sa PBB… ‘BUKOL’ NI DONNY, PINAGPIYESTAHAN NG MGA BADING

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 15 hours ago
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | May 6, 2025



Photo: Donny Pangilinan - PBB


Si David Licauco ang latest Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCE) guest housemate ni Kuya.


Matapos ngang makipag-bonding si Donny Pangilinan sa mga celebrity housemates, turn naman ni David this time.


Marami ang nagsasabing ang pagkakaroon nga ng mga guest housemates ang sumasagip ngayon sa PBBCE dahil hindi nga raw ito gaanong nagre-rate sa ngayon. Habang ang mga loyal supporters naman ng show ay naniniwalang ito pa rin ang numero unong reality show sa bansa.


Well, since mag-BFF (best friends forever) sina David at housemate Dustin Yu, baka nga raw may special task ang una sa tila nagiging ‘nega’ image ng huli sa publiko.

Kung pinag-usapan ang mga previous guesting nina Ivana Alawi, ng BINI at ni Donny Pangilinan, ano naman kaya ang bagong maiaambag ni David?


Speaking of Donny, grabe ang usapan ng mga kapatid sa LGBTQ+ community dahil kahit daw bitin sila sa naging exposure ng guwapong aktor, sulit naman ang naging pagtutok nila sa PBB.


Sa ilang gabi rin daw kasi ni Donny sa bahay ni Kuya ay nasilayan nila hindi lang ang kapogian at katalinuhan nito kundi maging ang nakakaloka raw nitong "bukol sa harap”.

Kalat na rin kasi ang ilang video na gumising ito at napokus ng kamera ang nakabukol nitong harapan na normal naman sa isang lalaki na bagong gising.


Pero ang nakakaloka ay tila naging aware si Donny sa isang video dahil may “pag-touch me in the morning” siya sa kanyang sandata na tunay namang very promising. Hahahaha!


Ganyan nga ang ilan sa mga obserbasyon sa naturang usapan ng mga kafatid na aliw na aliw kapag nag-e-exercise, nagpe-flex o naliligo at nakahubad ang mga male housemates ni Kuya dahil “nasusuri’ raw nila ang meron sa wala. Hahaha!



KUNG marami ang nagsasabing sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre ang bagong sibol na mga ‘reyna’ ng showbiz sa ngayon, humihirit naman ang mga maka-Liza Soberano, na hindi pa tapos ang laban.


Sa kumakalat kasing photo nina Nadine at Liza sa socmed, marami ang nagsasabing maganda rin na makita ang dalawa sa mga future collab o projects.


Although noon pa man ay nabalitaan na nating friends naman sina Nadine at Liza dahil sa naging role ni Nadine sa negosyo ni James Reid kung saan din naging artist si Liza.


Inakala nga ng marami na since naghiwalay na sina James at Nadine ay baka friendship over na rin sina Nadine at Liza. But ayon sa mga umiikot na tsika, baka nga raw may nabuo nang project ang dalawa o ‘di kaya naman ay pinag-uusapang negosyo.


Hmmm, exciting din ‘yun, ha!



Kahit may ‘K’ pa… WINWYN, BIGO SA MISS UNIVERSE-PHILS. DAHIL NANAY NA





TALAGA namang ang main title na Miss Universe-Philippines ang ninais na kunin ni Winwyn Marquez kaya siya sumabak uli sa contest mereseng may international beauty title na siya.


As we said, hindi pa nga lang siguro handa ang pageant world dito sa atin na may ipanalong may asawa’t anak sa Miss Universe.


But for the record, ha, apat sa naging kalahok sa katatapos na beauty contest ay may mga asawa’t anak na dahil nga sa bagong ruling ng Miss Universe.


At dahil hindi na nga puwedeng isabak si Winwyn sa ibang international pageant gaya ng Supranational, Cosmopolitan, etc. dahil dapat ay mga single o “Miss” pa ang kasali rito, kaya't ang pagiging first runner-up ang naiuwing titulo ni Winwyn.


What a way to end her beauty pageant career dahil may title pa rin namang Miss Universe ang nasabing title.


Still, para sa amin ay si Winwyn ang isa sa mga dapat na nag-represent sa atin sa Miss Universe kahit noon pa. Kumbaga, the Miss Universe that we never had.


Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page