top of page
Search
  • BULGAR

SANDARA PARK, GUSTONG MA-TESTING SI ECHO

ni Rensel Sabando - Trainee @Entertainment | February 28, 2024




Saglit na bumisita sa Pilipinas ang Korean star na si Sandara Park nu’ng Martes para dumalo sa ilang commitments pero umalis din kaagad. Ngunit bago umalis, ipinahayag ni Park ang kanyang interes na bumalik at makipag-collab sa mga Filipino stars.


Kamakailan lang, sa caption post ni Park nu'ng Tuesday, sinabi niya, “Manila! I’m home,” na may airplane emoji.


Sa kasunod na post, kasama na niya sina Coco Martin, Shanti Dope at Maris Racal na nakakuha ng maraming likes at comments mula sa mga fans ng Kpop icon.


Inihayag ni Park sa isang interbyu na siya’y malaking tagahanga ni Martin at napapanood niya ang lahat ng mga pelikula nito.


Ani Park, “I have a wish! Sana magka-project kami ni Coco Martin in the future! Sana! I really love his movies, napanood ko lahat ng movies niya! Lalo na 'yung mga romantic comedies. So sana, maging leading man ko siya in the future! Sabi niya, 'Yeah! Let’s do something together,' so sana maging totoo 'yun!”


Ibinahagi rin ni Park na hilig niya ang makinig sa mga OPM artists, partikular na sa rapper-singer-songwriter na si Shanti Dope.


Samantala, nakilala naman si Park sa iconic K-pop girl group na 2NE1 kasama sina Park Bom, CL at Minzy.


Sa ngayon, maraming iskedyul at nananatiling konektado si Park sa mga kaibigan mula sa kanyang mga unang araw sa industriya, lalo na sa mga nakilala niya sa reality-based talent competition na Star Circle Quest.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page