Sandamakmak na utang ng bansa, kontrolado pero dapat aksyunan
ni Ryan Sison - @Boses | June 14, 2022
Sa kabila ng record-high debts ng Pilipinas habang nakikipaglaban sa COVID-19 pandemic, iniulat na nananatiling “manageable” ang foreign borrowings ng bansa.
Gayuman, sa economic bulletin na inilabas ng Department of Finance (DOF), bagama’t tumaas umano ang external debt stock ng bansa sa $106.4 bilyon kada taon sa kauna-unahang pagkakataon na lumagpas sa $100-B level na katumbas ng 27% ng gross domestic product o GDP ay bahagya pa rin itong bumaba mula sa 27.2% noong 2020 nang ang GDP ay bumaba sa gitna ng worst post-war recession dulot ng COVID-19.
Sa katunayan, nananatili umanong pinakamababa ito sa Asean-5 kaya masasabing nasa manageable level pa umano ang utang panlabas ng Pilipinas.
Makikita umano sa pinakabagong data ng Bureau of the Treasury (BTr) na sa naitatalang P12.76 trillion outstanding debt ng national government nitong katapusan ng Abril, tanging 30% o P3.83 trilyon lamang ang foreign borrowings.
Noong nakaraang taon, nangutang ang Pilipinas ng $2 billion mula sa tatlong multilateral lenders — ang Manila-headquartered Asian Development Bank (ADB), China-led Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), at maging ang Washington-based World Bank — para pondohan ang mass vaccination program nito laban sa COVID-19.
Talagang nakakalula ang utang ng bansa at marahil, iniisip na ng ilan kung ilang henerasyon pa ang hihintayin bago natin ito mabayaran.
Paalala na hindi porke sinabi ng DOF na “manageable” pa ang mga utang ng bansa ay magpapabaya na tayo. Dahil d’yan, umaasa tayo na gagawin ng bagong administrasyon ang lahat upang mabawasan ang utang ng bansa.
Sana’y magkaroon ng mga programa at bagong estratehiya ang papasok na administrasyon para makatulong sa ekonomiya para makabayad tayo ng utang.
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com





Comments