top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sandamakmak na basura sa venues ng campaign rallies, nakakadismaya!

BULGAR
May 3, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | May 3, 2022


Ilang araw bago ang halalan, todo-kayod sa kampanya ang mga nagnanais na maluklok sa puwesto.


Kaliwa’t kanan ang mga campaign rallies at house-to-house campaign para makumbinsi ang maraming botante.


Gayunman, habang paspasan ang paghahanda para sa susunod na linggo, ilang lokal na pamahalaan naman ang umaalma dahil sa dami ng basurang naiiwan sa pinagdarausan ng mga rally.


Ayon sa ilang LGUs, sandamakmak na kalat sa mga kalsada at venues ng campaign rallies ang bumubungad sa mga lokal na opisyal ng ilang lungsod, na kanilang ikinadidismaya.


Ilan sa mga nagkalat sa kalsada at venues ay mga plastic water bottles, plastic cups at mga lagayan ng pagkain.


Kaya kasabay ng patindi nang patinding kampanya ang panawagan ng ilang lokal na pamahalaan na respetuhin ang kanilang lungsod at iwasang mag-iwan ng napakaraming kalat.


Sa totoo lang, nakakadismaya ang mga ganitong eksena tuwing pagkatapos ng malalaking rallies sa ilang lugar. Bagama’t nauunawaan nating hindi rin makontrol ang dami ng dumadalong mga tagasuporta, hindi natin dapat isawalang bahala ang isyung ito.


Ngunit kung tutuusin, ‘di na dapat ipakiusap na iwanang malinis ang venue dahil una sa lahat, ipinahiram lang ito ng mga LGUs. Kaya kung paano natin dinatnan, sana’y ganundin pagkatapos ng rally.


May ilang araw pang natitira sa kampanya. Kaya paalala, obligasyon ng mga organizers ng kampanya na matiyak na maayos at malinis ang venue hanggang matapos ang aktibidad.


Gayundin, pakiusap sa mga dumadalo, pairalin ang disiplina at ‘wag tayong balahura.


Kaunting tulong lang ito sa LGUs at kalikasan, kaya plis lang, makiisa tayo at iwasang maging dagdag-problema.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page