Sanay na sanay sa tikiman… IVANA, NAPAGHUBAD SI JOSHUA
- BULGAR

- Apr 29
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | April 29, 2026

Photo: Joshua Garcia at Ivana Alawi sa Love Is Never Gone sa Prime mediacon - ABS CBN
Dream project kay Ivana Alawi ang first team-up nila ni Joshua Garcia sa ABS-CBN’s newest Prime Video original series na Love Is Never Gone (LING).
Kumbaga sa ulam, kumpletos-rekados ang bagong drama series ni Ivana — may drama, love story at action.
Swak ang tambalan nila ni Joshua on screen. Kilalang mahusay na aktor si Joshua pero hindi naman nagpahuli si Ivana.
Malaki ang improvement ng acting ni Ivana from her previous works. Nakatulong nang malaki ang pag-apir niya sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) ni Coco Martin. Well-adjusted na siya sa mga action scenes niya sa LING.
Shocked naman ang mga nakapanood sa special screening sa love scene nina Joshua at Ivana. Napaghubad ni Ivana si Joshua!
Dalang-dala ni Ivana si Joshua sa love scene nila. Parang mas bihasa na si Ivana sa mga ganyang eksena kaysa sa aktor.
Anyway, magsisimulang mapanood ang Love Is Never Gone sa Prime Video on May 8, Friday, at every Friday na ang mga susunod na episodes.
Huwag palampasin.
Pamilya ng isa't isa, nakaka-bonding…
DANIEL AT KAILA, NANGANGAMOY-KASALAN NA
Very much welcome na talaga si Kaila Estrada sa pamilya ni Daniel Padilla.
Kitang-kita ang closeness ng kanilang pamilya sa nakaraang birthday celebration ni Daniel.
Present ang ina ng aktor na si Karla Estrada at mga kapatid sa party. Nandoon din ang ama ni Daniel na si Rommel Padilla kasama ang ilan niyang kapatid.
On Kaila’s side, naki-party ang panganay ni Janice de Belen na si Igi Muhlach, at sina Moira at Inah Estrada. Invited din sa party ni Daniel ang boyfriend ni Inah na si Jake Vargas.
Ipinost ni Igi sa kanyang Instagram (IG) Story ang picture niya with his ‘bayaws’ na sina Daniel at Jake.
Comment ng mga netizens:
“Make way for the bayaws!”
“A night overflowing with love and pure happiness.”
May picture rin si Kaila kasama si Rommel at mga tita ni Daniel from the Padilla clan.
Caption sa picture ni Kaila with Daniel’s relatives sa IG, “A rare Padilla fam sighting with Kaila. Their bonding moments are usually kept so private so this is definitely a moment to treasure.”
Nangangamoy-kasalan na ang susunod na ganap kina Daniel Padilla at Kaila Estrada.





Comments