top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sampal para kay U.S.A. Coach Kerr ang pagkatalo sa FIBA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 11, 2023
  • 2 min read

ni Clyde Mariano @Sports | September 11, 2023


Ang kabiguan ng powrhouse at outstanding favorite na United States na mabawi ang korona sa FIBA Basketball World Cup 2023 na kanilang hinawakan ng limang beses mula 2010 ay isang malaking sampal at kahihiyan kay coach Steve Kerr at sa kanyang mga NBA players na nabigo sa kanilang misyon sa 'Pinas na muling dalhin ang titulo mula sa prestihiyosong basketball competition sa mundo na binakante ng Spain at pangalawang beses na ginawa sa bansa na una noong 1978 na napanalunan ng Yugoslavia kontra Russia, 82-81, sa finals na ginawa sa Araneta Coliseum.


Pinili ng U.S. na maglaro sa Pinas sa halip na sa Japan at Indonesia dahil premier sport ng mga Pinoy ang basketball at lagi nilang pinanonood ang NBA kumpara sa ibang mga bansa sa Asya na ang paborito ay football.


Sa hindi inaasahan biglang naglahong parang bula ang pangarap ng U.S. na muling bumalik sa podium bilang undisputed champion sa FIBA na natalo sa underdog na Germany, 110-111 sa sudden death semifinals sa MOA Arena.


Walang mag-aakala na tatalunin ng Germany ang U.S. kung saan ang NBA players ang iniidolo ng mga mahihilig sa basketball kasama ang basketball crazy Filipinos na nanood ng mga laro via satellite sa limang kontinente sa mundo lalu na sa U.S. kung saan nakatutok at sinubaybayan ang laro ng NBA players na pinili at pinagkatiwalaan ni Kerr para mabawi ang korona.


Natalo rin ang U.S. sa underdog na Lithuania, 104-110, sa preliminary bago yumuko sa Germany sa semis. Halos hindi maisip ni Kerr na matalo ang U.S. na minsan niyang hinawakan. Pinatunayan naman ng Germans na kaya nilang talunin ang kinikilalang “sultan of basketball” at nagpamalas nga ng galing ang NBA players sa laro na ginawa sa 'Pinas kung mas lalo pang natuto ang mga Pinoy ng basketball sa mga Amerikano.


Si Kerr ay dating NBA player na naglaro sa Chicago Bulls kasama sina Michael Jordan, Scottie Pippen at Dennis Rodman. Nagretiro si Kerr at hinawakan ang Golden State Warriors na kanyang pinag champion sa NBA. Dahil sa kahihiyang sinapit ng US, malamang mag-iisip ang mga top honchos sa basketball na ipadala ang magagaling nilang NBA players sa susunod na FIBA Basketball World Cup 2027 sa Doha, Qatar.


Ganito ang ginawa ng U.S. noong 1992 Barcelona Olympics na pinadala ang “Dream Team” kasama sina Michael Jordan, Earvin “Magic” Johnson, Larry Bird, Charles Barkley, Scottie Pippen, Clyde Drexler, Pat Ewing, David Robinson, Chris Mullins at Christian Laettner. Pinisak ng US sa pangunguna ng deadly trio na sina Jordan, Johnson at Bird, ang mga kalaban kasama ang host Spain at sinungkit ang kampeonato.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page