top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Samoilenko, binitbit ang Speed Hitters vs. Troopers

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 9, 2022
1 min read

ni Gerard Arce - @Sports | October 9, 2022



Isang matinding serbisyo mula sa Russia ang ipinakita ni Elena Savkina-Samoilenko nang buhatin ang PLDT High Speed Hitters sa isang come-from-behind panalo sa bisa ng fifth set panalo sa 17-25, 25-20, 24-26, 25-11, 15-11 kontra UAI-Army sa pagsisimula ng mga hatawan at bakbakan sa ikatlong komperensiya ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference sa Sta. Rosa Sports Complex sa Laguna, kahapon.


Pumalo ang 27-anyos na outside hitter ng game-high 35 pts mula sa 32 atake, 2 blocks at 1 ace, kasama ang 12 excellent digs upang agad na makabuwenamano ng panalo sa pambihirang labanan na umabot ng 2 oras at 18 minuto.


Naging malaking tulong ang 6-foot-4 Russian hitter, na huling beses naglaro sa Mersin B.Sehir Bld sa Turkey nitong 2021, ay humataw ng 5 puntos sa final set at higit na ang panapos na atake upang masimulan ng Power Hitters ang misyon nitong mahigitan ang fourth place finish sa nagdaan Invitational Conference.


“Pinaghandaaan naman namin yung laro kaso hindi ganun kadali kapag first game usually sa mga imports lalo na yung familiarization ng laro dito sa Pilipinas. Sabi ko sa kanya na just play your game at laging hingin ang bola lalo na kung kinakailangan kapag crucial match with instruction kaya dapat ma-maximize namin,” pahayag ni PLDT coach Jorge Pascua patungkol sa kautusang ibigay ang bola kay Savkina-Samoilenko. “Hindi ganun kadali na gumawa ng 35pts pts, buti naa-achieve niya, pero hopefully next game namin ma-achieve niya pa rin yun.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page