ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 16, 2024
Ipinasa ng parlamento ng Greece ang isang panukalang batas na nagpapahintulot sa same-sex civil marriage noong Huwebes, na nagmamarka ng isang mahalagang tagumpay para sa mga miyembro ng LGBT.
Nagbibigay ang batas ng karapatan sa pagpapakasal at pag-aampon ng mga same-sex couples. Ito’y matapos ang maraming taong adbokasiya ng LGBT community sa konserbatibong bansa.
Kabilang ang Greece isa sa mga unang bansang Orthodox Christian na nagpapahintulot sa mga ganitong pagsasama.
Pinagtibay ang panukalang batas ng 176 mambabatas sa 300-seat parliament at magiging ganap na batas ito kapag nailathala na sa opisyal na pahayagan ng pamahalaan.
Comments