top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Samboists, naka-2 gold at 1 tanso sa France

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 3, 2024
  • 1 min read

ni Gerard Arce @Sports | June 3, 2024



showbiz news
Photo: Pilipinas Sambo Federation Inc.

Humambalos ng malulupit na hagis at balibag ang tatlong national athletes ng Pilipinas Sambo National team upang ibulsa ang dalawang ginto at isang tansong medalya sa pangunguna nina 2019 Southeast Asian Games champion Chino Sy-Tancontian at 2023 Asian & Oceania SAMBO Championship bronze medalists Aislinn Agnes Yap sa 2024 Grand Prix de Sambo de Paris sa Stade Charléty Salle Charpy Avenue Pierre de Coubertin sa Paris, France.


Nagawang mahigitan sa finals ng 23-anyos collegiate MVP na si Sy-Tancontian ang hometown bet na si Didier Biansomba ng France sa men’s under-98kgs category upang makuha ang unang gintong medalya para sa Pilipinas. Nasundan nito ang kanyang impresibong gold medal na panalo sa 2024 Dutch Open sa paboritong ring event sa Seniors Sport Sambo nitong nagdaang Marso sa Sports Hall ‘Trefkoele Plus’ sa Dalfsen, Netherlands.


Nito lamang nagdaang Abril ay bumulsa rin ng dalawang gintong medalya ang University of Santo Tomas student-athlete sa 2024 Philippine Judo Open sa men’s under-100kgs at men’s open weight division. Naging malaking tulong para sa University of Santo Tomas student-athlete ang nakuhang mga karanasan at kaalaman sa dinaluhang training camp sa bansang Russia noong nagdaang buwan upang magamit sa mas malalaki at matitikas na European samboist.


Ipagpapatuloy naman ni multi-international medalist Yap ang kanyang impresibong panalo upang pagreynahan ang paboritong women’s under-80kgs Seniors Sport Sambo event ng talunin si Joannie Delbar ng France sa 4-1 iskor.


Ito ang ikalawang sabak sa European competition ni Yap na nagawang manalo ng tansong medalya sa 2024 Dutch Open, habang nagawang dominahin ang katatapos lang na 2024 Judo National Open noong Abril nang mapagwagian ang women’s +78kgs at women’s Open weight division. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page