SAM, TANGGAP NA PANG-TATAY ROLES NA
- BULGAR
- Oct 30, 2022
- 3 min read
Updated: Nov 2, 2022
ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 30, 2022

Bukod kina Dingdong Dantes at Piolo Pascual, Beautederm baby na rin ngayon si Sam Milby!
Si Sam ang latest endorser ng bagong set ng health essential products na ini-launch ng Beautederm Corporation ni Ma'm Rhea Anicoche-Tan kahapon (Oct. 29) sa Luxent Hotel, QC.
Ang guwapo, super fresh at kinis ni Sam, in fairness, 'di mo iisiping tumanda o dumaan sa anumang problema. For sure, malaking contribution ang bagong endorsement ni Sam na Beautéderm Health Boosters Effervescent Tablets.
Kaya naman no wonder na ang gaan-gaan ng aura ni Sam kahapon at tulad ng dati, napaka-accommodating niya sa press people.
Kaya naman nagtataka kami nang sabihin ni Sam Milby na tumatanda na siya dahil parang wala naman ngang nagbago sa hitsura niya mula nang una naming makilala.
Pero aniya, ramdam niyang 'aging' na siya dahil kung dati, pang-matinee idol roles ang ibinibigay sa kanya, ngayon ay tatay roles na raw and there was one time na 20 yrs. old pa nga raw ang anak niya.
Pero naniniwala si Sam na kapag ang isang artista ay may talento sa pag-arte, kahit pa tumanda ito ay hindi malalaos. Meaning, mabibigyan at mabibigyan pa rin ng iba't ibang roles at projects.
At true, hindi man sabihin ni Sam, isa talaga siya sa mga artistang tatagal sa industriya dahil siya 'yung tipong hindi lang mukha ang puhunan kundi talagang may ibubuga rin sa acting.
Samantala, kasama sa Beautéderm Health Boosters Effervescent Tablets ang tatlong bagong produkto na nasa ilalim ng REIKO at KENZEN, na FDA compliant at expertly formulated upang palakasin ang kalusugan at well-being ng katawan sa araw-araw.
Una rito ang Reiko ShiroSan, second ang Kenzen YasaiDes at pangatlo ang Kenzen MizuPlus na tumutulong para mag-normalize ang high blood pressure at maganda sa prevention ng heart disease at type 2 diabetes.
Pramis ni Sam, kahit 'di siya masyadong active sa social media, sisipagan niyang mag-promote ng kanyang bagong endorsement dahil sa malaking tiwala na ibinigay sa kanya ni Ma'm Rei Tan.
Soulmates talaga, Aiko…
JOMARI, PAKAKASALAN NA SA SIMBAHAN SI ABBY
Finally, kinumpirma at in-announce na ni Parañaque Councilor Jomari Yllana na pakakasalan na niya ang three-year live-in partner na si Abby Viduya.
Hindi na nga nagpatumpik-tumpik si Jom sa pag-aming si Abby na talaga ang 'the one' niya at gustong pakasalan dahil ito naman talaga ang first at greatest love niya at napatunayan nilang soulmates talaga sila.

Ang ganda ng love story nila na nag-umpisa nu'ng mga bagets pa lang sila. Naging magdyowa, naghiwalay, parehong nakapag-asawa ng iba, nahiwalay, and then nang magkita uli after 28 yrs., nagbalikan at eto na nga ngayon, nagbabalak nang magpakasal.
Sabi ni Jom, bago matapos ang kanyang last term sa pagka-konsehal, gusto niyang pakasalan na si Abby dahil gusto raw niyang makita itong lumalakad papunta sa altar.
Oh, ha?! Sana all!
Ramdam na ramdam talaga ang love ni Jomari kay Abby at mukhang sila na nga ang meant to be.
No wonder, napaka-supportive naman kasing partner ni Abby, to the point na kahit natatakot din daw siya para kay Jomari Yllana sa hilig nitong car racing, she's always there to support him at naniniwala naman daw siyang 'di pababayaan ni Lord si Jom.
Katulad na lang sa in-organize ni Jomari na Yllana Racing na magaganap sa Nov. 5 and 6 sa Subic Bay Freeport na bale tribute kay Paeng Nodalo, one of the country's pillars of motorsports who was behind the legendary Mabuhay Rally, si Abby daw ang nakatoka sa pagtse-check ng mga kailangan sa event at maging sa food ng mga participants.
Kaya gets na rin namin kung bakit super in love sa kanya si Jomari dahil may kasabihan nga: "The way to a man's heart is through his stomach."
Super-maasikaso rin si Abby kaya look n'yo naman, super-hiyang ngayon si Jomari.
Pero kahit wala na ang pang-Bench body niyang figure, ang mahalaga, happy and content siya kay Abby.
Anyway, in-announce ni Jomari na open to the public ang Yllana Racing at kahit mga celebrities ay puwedeng sumali.
So, abangan natin kung sinu-sino sa mga karerista sa showbiz ang magdyo-join sa Yllana Racing.








Comments