Salubungin ang Bagong Taon nang safe at healthy
@Editorial | December 28, 2023
Dagsa pa rin ang mga pasyalan at pamilihan, talagang sinusulit ang bakasyon.
Kaugnay nito, patuloy naman ang paalala ng kinauukulan na mag-ingat.
Dapat umanong magsuot pa rin ng face mask ang mga indibidwal na kabilang sa vulnerable population, kabilang dito ang matatanda, immunocompromised at may mga comorbidities. Ito ay sa kabila ng wala pang ebidensya na nakakapagdulot ng severe disease ang COVID-19 Omicron subvariant na JN.1.
Ayon sa mga eksperto, ang pagsusuot ng face mask sa pampublikong lugar ay nagbibigay ng karagdagang proteksyon.Kasabay nito, hindi naman daw kailangang mag-panic ng publiko dahil hindi tulad ng Delta variant, ang bagong na-detect na COVID-19 subvariant sa bansa ay mild type ng coronavirus.
Base sa datos mula sa Department of Health (DOH), nakapag-detect na ng kabuuang 18 kaso ng JN.1 sa bansa at lahat ng mga dinapuan ay nakarekober na.
Walang masama sa pagsusuot ng face mask, hindi lang ito panlaban sa anumang uri ng COVID kundi maging sa iba pang karamdaman. Mas masaya pa rin na sasalubungin natin ang Bagong Taon nang ligtas at malusog.
Sana ay natuto na tayo sa pandemya, alam na natin ang mga pag-iingat na dapat gawin, huwag nang matigas ang ulo.



Comments