top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Salubungin ang Bagong Taon nang ligtas, ingat sa paputok!

BULGAR
Dec 29, 2022
1 min read

@Editorial | December 29, 2022


Ilang araw pa bago ang pagsalubong sa 2023, patuloy na nadaragdagan ang mga biktima ng paputok.


Pito pang kaso ng fireworks-related injuries ang naitala sa bansa sa nakalipas na 24-oras na nagdala ng caseload ng 39% na mas mataas kaysa noong nakaraang taon.


Batay sa ulat ng Department of Health, umabot na sa 32 ang naputukan mula Disyembre 21 hanggang Disyembre 28.


Ito ay tumaas mula sa 23 kaso na iniulat sa parehong panahon noong 2021.


Ayon pa sa Health Department, 22 biktima ang nakakuha ng fireworks-related injuries sa bahay habang 10 naman ang nasugatan sa kalye.


Kaugnay nito, tiniyak ng ahensya na handa na ang mga ospital sa buong bansa at pawang nasa code white alert na para sa mga posibleng pinsalang nauugnay sa paputok.


Batid nating kasama na talaga sa tradisyon ang pagpapaputok sa pagsalubong ng Bagong Taon pero siguruhing ligtas habang ginagawa ito.


Bukod sa injury sa katawan, isa pa sa insidenteng posibleng mangyari ay ang sunog.

Kaya sana, pag-isipang mabuti ang mga gagawin sa gitna ng pagdiriwang. Tiyaking hindi mapapahamak o walang masasaktan.


Kapag sinabing bawal ang mga ilegal na paputok, huwag nang ipilit. Pwera na lang kung gustong mag-New Year sa ospital at may iniindang sakit.


Bukod sa paputok, marami pa namang ibang paraan para makapag-ingay at makapagsaya, ligtas pa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page