‘Salary increase’ sa mga militar, ‘di dahil sa posibleng kudeta — AFP
- BULGAR

- 3 hours ago
- 1 min read
by Info @ News | December 7, 2025

Photo: AFP / FB
Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines na hindi dahil sa posibilidad na magkaroon ng kudeta laban sa gobyerno ang pagtaas ng sahod at allowance ng kanilang mga miyembro kasunod ng mga kumakalat na pahayag tungkol dito.
Ayon sa AFP, ang pagtataas ng allowance at sahod ng mga Military Uniformed Personnel (MUP) ay bilang tugon sa kasalukuyang kondisyon ng ekonomiya sa bansa.
Idinagdag din nila na, “[This is to] reinforce a strong culture of discipline, competence, and dedication across the uniformed services.”








Comments