Salary deduction sa gov’t employee para makapag-donate sa Turkey-Syria, fake news
- BULGAR

- Feb 20, 2023
- 1 min read
ni Mylene Alfonso | February 20, 2023

Pinaiimbestigahan na ng Malacañang ang kumalat na pekeng memorandum na nagsasabi na kakaltasan ng dalawang araw ng kanilang sahod ang mga empleyado ng gobyerno kasama rito ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang makalikom ng pondo para sa gagawing relief operations ng gobyerno na ibibigay sa bansang Turkey at Syria na lubang naapektuhan dahil sa malakas na lindol na tumama sa nabanggit na mga bansa.
“This is not true,” giit ni Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil kaugnay sa pekeng memorandum.
Nakikipag-ugnayan na aniya ngayon ang Office of the Executive Secretary sa mga awtoridad hinggil sa pekeng memorandum upang mabatid kung saan galing at sino ang pinagmulan nito.
Kaugnay nito, tiniyak ng opisyal na mananagot ang mga nasa likod nito. Nabatid na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang kumalat na pekeng memo.





Comments