Sakuna, ‘di dapat hinihintay bago paghandaan
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
by Info @Editorial | August 31, 2026

Hindi na bago sa Pilipinas ang malalakas na ulan at matinding pagbaha. Taon-taon, pareho ang eksena: lubog na komunidad, stranded na residente, at mga pamilyang naghihintay ng saklolo. Kaya hindi sapat na kumilos lamang kapag mataas na ang tubig. Dapat nauuna ang gobyerno sa paghahanda.
Kailangang kumpleto at sapat ang kagamitan ng mga LGU at rescue teams—rescue boats, life vests, ambulansya, communication equipment, generators at iba pang gamit sa emergency response.
Kung kulang ang kagamitan habang lumalala ang mga kalamidad, buhay ng tao ang direktang nalalagay sa panganib. Hindi maaaring puro diskarte at tapang ng rescuers ang inaasahan.
May pondo, may mga ahensya, at may mga babala bago dumating ang matinding panahon.
Ang kailangan ay mabilis na procurement, maayos na prepositioning ng kagamitan at malinaw na plano bago pa bumaha. Sa panahon ng mas matitinding kalamidad, ang pagiging handa ay hindi bonus sa serbisyo-publiko—obligasyon ito.



Comments