top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Saklolo muna bago pamumulitika

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 15, 2020
1 min read

ni Ryan Sison - @Boses | November 15, 2020


Sa panahon ng kalamidad at sakuna, karamihan sa mga lokal na pamahalaan ay agad na rumeresponde sa kanilang nasasakupan.

Mula sa pagpapalikas, pagtiyak na may pansamantalang masisilungan at may makakain, siguradong may nakaantabay na tulong mula sa mga local government units (LGUs).

Kasabay ng pagsaklolo ng mga lokal na pamahalaan sa mga nangangailangan, naglabasan din ang pa-feeding program para sa mga nasalanta.

Kaugnay nito, nag-viral ang litrato na ipinost ng isang LGU sa Metro Manila kung saan may mukha ng pulitiko ang ginamit na paper cups sa feeding program.

Agad itong umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa publiko, dahilan para burahin ng LGU ang ang naturang litrato.

Hirit tuloy ng publiko, sayang ang pondo. Hindi naman daw mapakikinabangan at litrato sa cup, kaya sana, hindi na lang gumastos para sa imprenta.

Sa totoo lang, may punto naman ang taumbayan. Kung inilaan na lang sa mas mahahalagang bagay tulad ng karagdagang pagkain o sanitary products sa mga evacuation center, mas maraming makikinabang.

Hindi naman natin iniismol ang mga ginagawa ng taong ito para sa mga nasalanta, pero sana, ‘wag nating hayaan na matabunan ng pamumulitika ang ating pagtulong sa kapwa.

Ipakita nating sinsero at mula sa puso ang tulong. ‘Wag naman ‘yung tipong binabagyo na, namumulitika pa.

Hindi ito ang kailangan ng taumbayan dahil ngayon, higit na kailangan ang saklolo, malasakit at puso.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page