top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sakit sa ulo ang dambuhalang utang na iniwan ni ex-P-Digong kay P-BBM

BULGAR
Jul 2, 2022
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 2, 2022


MALAMANG SUMAKIT ANG ULO NI P-BBM SA PROBLEMANG IPINASA SA KANYA NI EX-P-DUTERTE—Nakapanumpa na sa tungkulin si Pres. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na ang ibig sabihin ay siya na ang lider ng bansa na responsable sa pagpapatakbo sa ating gobyerno sa loob ng anim na taon.


At dahil si P-BBM na ang pangulo ng bansa, siya na ang sasalo ng malalaking problema na iniwan ng administrasyong Duterte, kabilang ang mahigit P13 trilyong utang, nagtataasang presyo ng mga bilihin at bayarin, kawalan ng trabaho ng milyun-milyong Pilipino at patuloy na paghihirap ng mga maralitang Pinoy, period!


◘◘◘


SA LAKI NG INIWANG UTANG NI P-DUTERTE, MAOOBLIGA SI P-BBM NA MAGPATAW NG DAGDAG-TAX—Sa totoo lang, hindi lang si P-BBM ang sasakit ang ulo sa laki ng iniwang utang-panlabas ni P-Duterte, kundi pati ang mamamayan.


Maoobliga si P-BBM na magpataw ng bagong buwis sa mamamayan para buwan-buwan ay makapagbayad ng utang.


Alam n’yo naman, kapag bagong dagdag-tax na ang pinag-usapan, ang kaakibat niyan ay pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page