top of page

Saka na lang daw ise-share sa publiko… KASAL NINA KIM AT JERALD, SA MARCH NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 11 hours ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | February 5, 2026



Jerald Napoles at Kim Molina - IG

Photo: Jerald Napoles at Kim Molina - IG



Tuloy na tuloy na at wala nang atrasan ang kasal ng aktor na si Jerald Napoles at ng aktres na si Kim Molina.


Sa presscon ng pelikulang Wonderful Nightmare (WN) ng Viva Films, natanong si Kim kung kailan ang kasal nila ni Jerald.


Sey niya na may kasamang magandang ngiti, “Next month na po. Sa March 2026, next month. ‘Yun lang po, opo. ‘Di po s’ya sa Manila.”


Pero somewhere in the Phils. pa rin.


Sey ni Jerald, “Hanggang du’n lang ‘yung budget.”


Sey ni Kim na sinang-ayunan ang sinabi ni Jerald, “Du’n lang ‘yung budget po namin.”

Sey na biro pa ni Jerald, “Baka makulong na kami ‘pag sa ibang bansa.”


Naitanong din sa panayam kung io-open ba sa media ang nasabing kasalan.

Sey ni Kim, “Ako po ang nag-decide nito. Tinanong din ako ni Jerald. Honestly, may proposal kasi si Je. Nagulat ako na naunang nalaman ng mga tao bago ko s’ya i-post kasi na-post agad ‘yung full na speech ni Je sa proposal n’ya.


“So I think itong wedding na ito, sa amin na po muna s’ya. But of course, ise-share naman po namin on the day.”


Natanong din kung may magiging role ang fashion designer na si Mak Tumang sa magaganap na kasalan sa March.


Sey ni Kim na may kasamang biro, “Ah, yes, Mak will be creating my dream gown. Artista Manalo, ‘di Ahtisa Manalo. Hahaha!”


Ipinaliwanag din ni Kim kung bakit ngayon lang sila magpapakasal gayung noong Agosto, 2024 pa nag-propose si Jerald.


Sey ni Kim, “Ipon po, ipon. Gusto po namin ni Jerald na ma-experience muna ‘yung may time, ‘yung ‘di kami nagmamadali. At the same time, may dad ako na nasa Saudi, bihira lang s’yang makabalik. So, there are a lot of factors, also family. I think ngayong year po is the perfect time for us.”


Kinumpirma rin ni Kim na darating ang kanyang pamilya sa kanilang kasal.

Congratulations, Kim Molina and Jerald Napoles, para sa inyong nalalapit na kasal!





Manliligaw, sure nang sasagutin…

JILLIAN, ATAT NANG MAGKA-BF SA EDAD NA 21





BONGGANG-BONGGA ang bagong clues na ibinahagi ng aktres na si Jillian Ward tungkol sa kanyang ‘mystery suitor’ nang mag-guest ito sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) kamakailan.


Saad ni Jillian, “He’s tall. ‘Di lang po halata sa video kasi medyo naka-crouch down s’ya para ‘di kita ‘yung mukha n’ya.”


Tanong ni Boy, “Ito ba’y Filipino o foreigner?”

Saad ni Jillian, “Pinoy.”


Dagdag na clue ni Jillian, “Nasa showbiz s’ya pero ‘di lang showbiz ang ginagawa n’ya.

‘Di lang s’ya public figure. May iba pa po s’yang skill.”


Tanong ni Boy, “S’ya ba’y mestizo o moreno?”


Saad ni Jillian, “Hindi ko po muna sasabihin. Pero sasabihin ko ang age, mga 22 to 24.”

Tanong ni Boy, “Ito ba’y taga-GMA?”


Saad ni Jillian, “Secret. I don’t want to say.”


Sa showbiz din daw niya nakilala ang guy. 


Hirit ni Boy, “Pero one day, you will introduce him to the public?”


Saad ni Jillian, “Kung tatagal po. I hope tumagal.”


Tanong ni Boy, “Nasaang stage na ang inyong relasyon?”


Saad ni Jillian, “Sa lahat po ng mga nanligaw sa akin, s’ya ‘yung talagang nagpa-feel na super special ako.”


Tanong ni Boy, “One to ten, ano ang chances n’ya para sagutin mo?”

Sagot ni Jillian na may kilig, “Ten. Eleven.”


Tanong ni Boy, “Is this the first time you’re actually in something like this?”


Saad ni Jillian, “Noong 14 po ako, ‘di pumapayag ang parents ko, kaya itinatago ko na may nagpapakilig sa akin. Puppy love. Pero ngayon, dalaga na ako, first time ko pong kiligin nang ganito.”


Komento ni Boy, “That’s how exciting it is. First love is always exciting.”

Saad ni Jillian, “Well, I had a first love but—”


Hirit ni Boy, “Oh, you had one?”


Saad ni Jillian, “Yes. Very young. Pero ngayon, very open na ako sa parents ko. If ever talagang tatagal kami, he will be my first legal boyfriend.


“I think I deserve it. I think it’s time. ‘Di na po ako minor. Magtu-twenty one na ako sa February 23.”


Well, deserve mo ‘yan, Jillian. Go, go, go, girl. 


Sino kaya ang masuwerteng guy na ito? Si Eman Bacosa Pacquiao ba o may iba pa? Abangan!


‘Yun lang, and I thank you.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page