top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Saint Clare, kampeon sa NAASCU

BULGAR
Jun 26, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | June 26, 2022



Gumawa ng malaking milagro ang Saint Clare College of Caloocan sa huling pitong minuto upang mabigo ang Enderun Colleges, 53-50, at mauwi ang kampeonato ng 20th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) Seniors Basketball Tournament sa punong Novadeci Convention Center sa Novaliches noong Biyernes. Ito na ang ika-limang sunod ng paaralan at kabuuang pang-anim sa kasaysayan ng liga subalit isa sa pinakamahirap makamit.

Ipinasok nina Pierre Marie Kouakou at Sherfrazkhan Abdulla ng Enderun ang unang limang puntos ng 4th quarter para sa kanilang pinakamalaking lamang, 42-35. Humabol ang Saints, 45-47, sa likod ng apat na sunod-sunod na puntos ni Johnsherick Estrada subalit agad pinatay ang sunog ng tres ni Francisco Tancioco papasok sa last 2 minutes, 50-45.

Iyan na ang naging huling hirit ng Titans at bumuhos ng walong sunod-sunod na puntos ang Saints. Naipasok ni Babacar Ndong ang free throw at nagmintis ang pangalawa subalit biglang sinungkit ni John Edcel Rojas ang rebound para sa dalawang puntos na hudyat ng arangkada ng Saint Clare at 1:43 sa orasan.

Hindi pa tapos ang tubong Senegal si Ndong at ipinasok niya ang mintis ni Gab Gamboa upang itabla ang laban, 50-50, at sinundan ng nagpalamang na buslo ni Rojas na may 37 segundong nalalabi, 52-50. Biglang gumuho ang Titans sa gitna ng mahigpit na depensa at ibinalik ang bola sa Saint Clare matapos ang 24-second shot clock violation.

Binigyan ang Enderun ng isa pang pagkakataon na baligtarin ang resulta at itinapon ni Gamboa ang bola na may pitong segundong nalalabi subalit hindi araw ng Titans at masyadong malakas ang pasa ni Karl Baclay. Napilitan bigyan ng foul si Rojas na tinuldukan ang mainitang laban ng isang free throw at hindi na nakatira ang Enderun sa huling tatlong segundo.

Naitala ni Estrada ang kanyang ikalawang double-double sa serye na 12 puntos at 12 rebound upang matanghal na Most Valuable Player, Rookie of Year at kasapi ng Mythical Five kasama sina Rojas, Kouakou at Joaquin Mariano ng Enderun at Marvel Jimenez ng Our Lady of Fatima University.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page