top of page
Search
  • BULGAR

Sahod sa lahat ng manggagawa, itaas na

@Editorial | May 7, 2024



Editorial


Humirit ang isang grupo na gawing P33K kada buwan ang minimum wage ng mga government worker. 


Hiling nila na isama sa review ng minimum rates ang mga nagtatrabaho sa gobyerno.


Una nang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na busisiin ang umiiral na minimum wage sa bawat rehiyon, at sinabing dapat na ikonsidera sa sahod ang epekto ng inflation. Kabilang sa naging reaksyon ng grupo na, “Pag may gusto ang daming paraan, ‘pag ayaw ang daming dahilan.” 


Katumbas kasi ng P33K monthly wage ng daily wage na P1,650 base sa 20 working days kada buwan. 


Higit din itong doble sa kasalukuyang daily minimum wage na P610 sa Metro Manila, at mataas na apat na beses sa minimum wage na P361 sa Bangsamoro region. 


Samantala, nakatakda itong talakayin ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga susunod na araw. 


Sana, mapag-aralang mabuti ang pagtaas-sahod sa mga nagtatrabaho sa gobyerno, hindi lang sa kanila kundi sa lahat ng manggagawa. 


Sa taas ng bilihin, hindi na talaga sapat ang kasalukuyang suweldo ng mga empleyado. 


Umaasa tayo na mapagbibigyan ang panawagang ito dahil malaking tulong ito para sa mga manggagawa.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page