Sagot sa curfew… MARVIN: COVID-19, NIGHTSHIFT LANG?
- BULGAR
- Mar 17, 2021
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 17, 2021

Umani ng maraming reaksiyon ang tweet ni Marvin Agustin tungkol sa curfew.
Tanong kasi ng aktor, nightshift daw ba ang COVID-19?
Ipinost niya sa Twitter, “Nalilito ako. May curfew sa gabi para raw makaiwas sa COVID-19, pero sa umaga, ang daming tao sa labas.
“ANO BA ANG VIRUS, NIGHTSHIFT?”
Natawa kami sa sinabi ni Marvin. Naisip namin na siguro, nagpapa-good vibes lang siya para makawala sa stress na simula nang magkaroon ng bakuna ay lalong dumarami ang nabibiktima ng COVID.
Pinatulan naman ng netizens ang tweet ng actor.
“Karaniwan kasi 'pag gabi nagpa-party at du'n nakukuha 'yung mga nagdamihan ngayon.”
“Are there more people partying at night compared to those in crowded places at daytime?”
“Common sense. Common sa inuman ang hawahan dahil de-tagay ang mga Pinoy. Itong si Marvin, akala mo 'di nainom ng alak sa gabi! 'Kakaloka!
Patawa naman ng isang commenter, “'Yung COVID po 'yung rumoronda sa gabi po?”
“'Di ka siguro namamalengke, kahit sa umaga at katirikan ng araw, maaari kang mahawa. I really find this curfew useless as if naman sa gabi lang naipapasa ang virus.”
“Totoo naman 'yung sinabi ni Marvin. Hindi sa bar lang nakukuha 'yan, eh, 'yung mga chismosa sa palengke, mga nangangapitbahay. Observe mo lang ang community mo, hindi na sumusunod sa basics ng social distancing.”





Comments