top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sablay na health protocol COVID-19 test sa NBA, binago

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 5, 2020
  • 1 min read

ni MC - @Sports | August 5, 2020




Nag-isip ng panibagong paraan ang National Basketball Association (NBA) upang mapag-ibayo ang kanilang COVID-19 protocol testing upang mapayagang makabalik sa laro nang mas maaga ang mga players na kuwestiyunable ang mga resulta ng test.


Sa bagong memo ng NBA league, ginawa nilang 24 na oras na lamang mula sa 48 oras ang paghihintay ng mga manlalaro na magkakaroon ng hindi malinaw na test result, nangyayari umano ito sa lima sa kada-1,000 na tine-test.


Kapag isinagawa muli ang pag-test sa loob ng isang oras bago ang susunod na laro, dapat umanong magnegatibo ng dalawang beses ang manlalaro, ayon sa NBA.


Palapit na kasi ang playoffs kung kaya ginawa ang pagbabago at dahil na rin sa pagkakaroon ng ilang palpak na COVID-19 tests results kung hindi rin nakalaro ang ibang player.


Samantala, dahil na rin sa walang torneo ang Asian Basketball League (ABL) at walang katiyakan kung kailan muli ito magbabalik dahil sa pandemya, umuwi na muna sa Estados Unidos si Alab Pilipinas coach Jimmy Alapag.


Ayon sa malapit na kaibigan ng 42-anyos na si Alapag na si Charlie Dy, isa umanong opsyon ng one-time PBA MVP ang umuwi sa U.S. at naroon na ito ngayon kasama ang pamilya.


With the uncertainties going on now, they are completing on going back to the U.S.” ayon kay Dy na team owner ng Pilipinas team.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page